Archive for the ‘personal’ Category

Now Showing: High School Musical

Tuesday, October 28th, 2008

Knock..knock..knock

 

Hey guys papasok na ulit ako sa mundo. Sana ok lang pero kahit hindi papasok pa rin ako.

 

Alam kung nakapagatataka kung bakit inabot ng ilang dekada ang hiatus ko. Maging ako man ay hindi alam ang dahilan. Siya nga pala nag decide na akong magsulat ulit dahil sa mga maraming rasons( with ’s kasi marami), isa na doon ay ang pagsulpot at paglabas ng pinakakamamahal kung HSM 3 (High School Musical 3).

HSM Kalat na kalat na ang hot na hot na disney movie na ito. Alam kung maihahanay na pambata ang palabas na ito pero ako ay tao lamang at nagnanasa na panoorin ito. Hindi ko alam pero may some kinda force na humihila sa akin na gustuhin ang HSM. At hindi naman ako nagsisisi na nahihibang ako dahil lang sa HSM. Kayo kung hindi pa ninyo napanood ito, you better watch out or you better not cry kung diyan niyo pa na-realize manood pag hindi na ito showing. tsktsktsk. Bakit di niyo subukan..

 

(ang mga rasons ay ipagpapatuloy ko sa sususnod na kabanata…antabayanan..)  

Dansoy is on a big HIATUS

Wednesday, September 3rd, 2008

Alam kong walang akong karapatang sabihin ito. Hindi ko alam kong bakit din nangyayari ang mga bagay bagay na biglang sumuplpot sa buhay ko. Sa sitwasyon ko ngayon, marami akong hinahabol. Assignments, projects, exercises, programs, pati pusa namin na nakatakas sa hawla ay napaka liksi at kailangan kong habulin ng habullin.

Sadyang kay sama ng panahon nagyon. Hindi ko man gusto pero sa tingin ko, sa ilang araw na hindi ako nagsulat dito sa blog kong inamag na. Kahit di ko man sabihin. Alam niyo nang ako ay HIATUS at hindi ko malaman kung kailan ako babalik. Ang tangi ko lang hiling sana sa pagbalik ko ay mag babasa pa rin ng mga kalokohan ng buhay ko. Makapal na ang mukha ko kong makapal. Basta HIATUS ako.! Salamat

Babaeng Disgrasyada

Friday, July 25th, 2008

Napansin ko na medyo madalang na lang ang pagsulat ko ng post dito sa dansoy world. Kung alam niyo lang kung gaano ka busy ang isang henyong katulad ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi nalang ipinagkaloob sa akin ng maykapal ang ganitong katangian. Parang hindi ko ma-take ang responsibility. Well, ganyan talaga ang buhay at kailangang tanggapin ko ang hubad na katotohanang ito.

Baka san pa ako mapadpad kaya uumpisan ko na ang kwento. Kwentong about sa kaibigan kong disgrasyada. Alam kong hindi na bago sa ating lahat ang pagdisgrasyada/do natin. But believe me or not but i want you to believe me na namumukod tangi ang pagka Tangertz niya. Minsan kasi naikwento niya sa akin ang mga eksena kung saan nagpaka-lorelie siya. At proud siyang inamin in-fairness na to d’ max ang pagka-Tangertz niya. Actually sa haba ng kwento niya ginawan ko nalang ng buod para hindi tayo tumanda sa kakabasa ng ka-tangertz niya.

UNA. Alam na alam nating lahat ng tao ay nagkantaugauga sa paghahanap ng salapi sa kahit anong paraan. Halos pinapawisan na tayo ng maraming singot magkapera lang ng pagka-bonggang-bongga. In contrast of this, ang babaeng disgrasyada ay nakuhang itapon ang 200 sa public garbage bin. Abah! mayaman si ate. Yan ang akala niyo pero pagkatapon niya ilang minuto pa niyang tinitigan ang basurahan at nag concentrate kung ano iyong naitapon niya dahil na sense daw niya na nangangamoy ang basurahan bigla. In our surprise at sa walang pag-alinlngan buong lakas niyang tinignan sa loob kung ako ang natapon. Nung nakumpermang pera, lakas-loob naman niyang kinuha ito inside the public garbage bin. Come to think of it, public yun kaya maraming tao ang dumaraan. kaya naman tinignan siya ng ilang kataohan doon. San kapa sikat na siya. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon hinanap pa rin niya ang pera at ng nakuha na automatic na lumakad na agad ito na parang wala lang. At dahil sa ginawa niya dumarami na ang naging sikat sa pagtatapon ng basura!

PANGALAWA.Masaya ang araw niya at that time at papunta daw siya ng school sakay ng jeep, of course. Dagdag pa niya susuwertehin daw siya this day (ganun bah? tignan natin at makaka-good-day paba ang babaeng disgrasyadang ito). Malapit lang ang school niya sa boarding house niya kaya naman malapit na agad siya sa babaan ng jeepney. Kukuha na sana siya ng pera ng…uhm…iininom muna ako ng tubig. gulp-gulp-gulp-ahhhh. Ok. kukuha na sana siya ng pera ng biglang nag ring ang cellphone niya at sinagot niya. Pagkatapos ng conversation balik agad siya sa pagkuha ng pera. At pa ahhhhhhh siya sa sakit. Sa sakit na nararamdaman niya sa loob ng puso niya dahil ang pera niya ay naiwan. Nataranta na siya at tila hindi na alam ang gagawin. Papalapit na siya sa skul at nakakahalata na rin ang mga seat mate niya sa jeep dahil nag murmur na ito na wala siyang pera. Nagpapa pansin ata para pahiramin.

Tumapak na ang gulong sa babaan sa skul niya. Bumaba siya at tumungo sa driver. Ang mata ay nagliliwanag at ang mukha ay pacute ng pacute habang kinaka-usap ang driver na wala daw siyang pamasahe. Ito ang swerte niya, ang driver ay mabait kaya naman inabswelto siya sa pagbabayad ng pamasahe at hindi nalang pinabayad. May convincing power ang babaeng disgrasyadang ito at may puppy style pa at naging maamong tuta. tsk tsk.!

PANGATLO.Nasa jeep na naman ulit siya at that time. Kasama ang parents at boysitprend niya. Galing sila sa kung saan man yung lugar. At ang nangyari ay wala kasi after nun bumaba na sila. Mga ilang sigundo naisipan niyang kunin ang cp sa bulsa niya. Sa kabutihang palad nawala ito. At ang kongklusyon, naiwan sa jeepney. Isang kabilib-bilib na naman na eksena ang ipinamalas niya. Hinanap niya ang jeep na kanyang sinakyan sakay ng taxi. Akalain niyo kahit mahal ang gasolina wala siyang paki alam mahanap lang ang 3310 niyang nagkikinang na cellphone. Mga ilang segundo ulit ng paghahanap nakita niya ito sa gasolinahan at sumugod pagkatapos ay hinalughug ang buong parte ng jeepney.Sa upuan, sa ilalim ng upuan, sa manibila, sa driver’s seat, sa makina, sa gulong, sa bubong. Lahat at walang itinira sa paghahanap. Tumulo na ang dugo sa ilong niya na kulay ay hindi na pula kundi itim na dahil sa liquid na nasa makina. Sa dulo ay hindi niya nahanap ang pinakamamahal niyang 3310 na cp. Ty sa cp ko!

Ilang araw tinawagan niya ang old cellphone niya at nagbabasakaling macontact ang nakakkuha at sinabing

Salamat , dahil sa iyo 1100 na ang cellphone ko.

Isang pang best aktress na katagang deserbing lamang na palakpakan.!!!!!!!

Halos madami pang mga pangyayari sa buhay niya pero itong tatlo lang ang nasabi saking talaga nabubuwang ako. Kung ikwekwento ko pa dito baka hindi na kayo bumalik sa katinuan niyo. Pero kahit na ganun ang takbo ng kapalaran ng babaeng ito may naitulong din daw minsan ang pagiging disgrasyada niya sa sarili niya. Kung ano iyon sa kanya na iyon.

Adventure Saga Continues

Monday, June 30th, 2008

Alam kong nakakagulat ang mga pangyayari. Maging ako nagtataka kung bakit nabigyan me ng pagkakataong magkaroon ng ganitong site. Wala akong anting-anting o agimat para lapitan ng swerte, sex appeal lang ata ang natatandaang meron ako. Kung alam nyo lang na sa ilimang taon ika isa lang din ako nakakatanggap ng swerte. It means maghihintay na naman ako ulit ng limang taon para mapagkalooban ulit ng swerte. Siguro dahil nag gluglutha na ako ngayon at parang umaliwalas ng mukha ko kaya lumalapit na swerte. Di bale magnanakaw ulit ako ng glutha ky Doctora Belo. Pero hindi tungkol sa kung ako pumuti ang pag-uusapan natin. Actually, ang blog na ito ay karugtong ng talaan ko ng aking napakagulong buhay.

Samu’t saring adbenture ulit ang isusulat ko sa bago kung blog na ito. Mapupuno na naman ang buhay niyo ng pighati sa kababasa ng napawalang kwentang mga artikulo ko. Dito, mas masaya at kwela ang sa inyoy sisiguraduhin ko (naks kinreer talaga). Malalaman niyo ng lubusan kong pano ko ibinabaliktad butas ng ilong ko. Madidiskobre niyo ang sekretong pinakaiingatan ko. Mahahalungkot niyo ang dahilan kung bakit may palakang nag jejebs. Lahat ng ito’y matutunghayan niyo.

Masarap mang magsulat ng may nagbabasa pero hindi ako namimilit sa mga taong hindi gustong basahin mga artikulo ko. Hahayaan ko lang sila at pag sumikat na ako,.. Babangon ako’t dudurugin ko sila!.Ay! sorry, na Carried away lang seriously nasa sa inyo na iyon. Basta ako hindi ko kayo tatantanan at susulat parin ako ng susulat. At sa mga handang sumubaybay may autograph kayo sakin.

Hindi makukumpleto ang panimulang post kong ito kung walang pasasalamat. Taos puso akong nagpapasalamat sa aking ever dynamic and lovable tita na si tita fe sa pag offer sa akin ng subdomain na ito. Hindi na ako nag tataka kung bakit generous ako, yun pala may pinagmanahan. Nagnakaw ako ng picture niya para makita niyo na model din tita ko.

Model na model kung pumurma diba.

To my tita: Lots of thank you’s (may ’s kasi madami).

Sa panimulang ito magkapit paa tayo at samahan mo ako sa paglalakabay ko mula sa lugar na walang bigas na pinagmumulan ng sangkatirbang mandurugas…Pilipinas.!

Why is that so?!

Monday, June 2nd, 2008

Simula nang ipinanganak ako sa mundo maraming nonsense questions ang naglalabasan. Mga katanungan lumalabas lang para may magawa ako sa mundo. Samu’t sari ang iniisip ko at minsan na oout-of-order na kasi minor de edad pa ako (alam nyo na un, marahil nga iniisip nyo na ngaun.haha). Pero kahit na masagot natin ang mga katanugang iyon hindi ibig sabihin matatahimik na isip at kaluluwa natin.

Ako. Sa isang araw mga 50 questions ang lumalabas na parang batang pilit inaalam ang mga bagay-bagay sa paligid. Gusto nyo malaman ano yung mga katanungana iyon? Wag kang mag-alala hindi naman lahat ilalagay ko. Iyong pag award winning na mga tanong lang.

(sa pagbabasa isipin nyong ako’y umiiyak ako. Wag nang pumalag kundi tatamaan ka.!)

1. Bakit mayaman sila?
2. Bakit may aircon bahay nila?
3. Bakit sila nakakapag-aral sa mga mamahaling skul?
4. Bakit nakakabili sila ng gusto nilang bilhin?
5. Bakit nakakapag-vacation sila san man nila gusto?
6. Bakit ang talino niya?

…Hindi ko namalayan alam ko na pala ang sagot sa top 6 question ko. May bumulong minsan “Anak wala kang mga ganyan kasi iba ang ibinigay ko sayo. KATALINUHAN, KA-CUTAN at SEXUAL APPEAL

Hindi na masama yun. Wala man akong mga ganun at hindi man ako ganun at least marami namang mabubuting linta ang siguradong didikit sakin. Lintang hindi sumisipsip ng dugo huh.

Suddenly Addicted

Sunday, June 1st, 2008

Last saturday and sunday i got little bored since i had no appointment at all. No appointment means prisoning yourself in your house, gosh!. But it wasn’t really boring for the whole day since QTV featured “American Idol: Road to the Finals”. And that’s what i am up to.

Being in the house and nothing to do will surely kill you early. A big thanks to QTV since they featured that “A.I: Road to The Finals” where they aired episodes from the top 12 up to the finale. By that craziness, i know your imagining how long my eyes worked at that time. Well, i was in front of the computer for almost 12hours. I wasn’t left the t.V because they (the other members of my family) might change the channel. They don’t like A.I. They have already watched it but for me i love to watch it over and over again.

Gosh! i found my self totally crazy about A.I. After watching it 2 days i went to internet cafe and surfed their website. It wasn’t useless at all because i’ve found lots of info. about A.I.

Lots of people out there are also fond of A.I. Therefore the best way of killing your time when you get bored is watching the American Idol repeatedly. Got it!?

Ignorance "EXCUSES" no one

Tuesday, May 27th, 2008

The sun was about to set (drama to the max naman), ng biglang tinamaan ng gutom ang tiyan naming magkakaibigan. Basta kasi pagkain ang pinag-uusapan no one could ever endure it. So nag decide kaming tumungo sa isang chicken restaurant na first time kong makapunta ever. Sa mga taga visiyas and mindanao i think you know Penongs, right?! Kung hindi, sang lupalup kaba ng visayas at mindanao napadpad? Anyways, sa Penongs nga kami tumuloy at sumubok. For the very first time makakain na rin ako sa isang restaurant na kinakainan ng mga ate ko. Kasi yung mga yun ay hindi nagsasama ng cute pag kumakain sa ganung uri ng kainan. Tanging mga lubby dubby lang nila ang sinasama nila,iniiwan ang cute na katulad ko.crypero i’m not losing hope at pinangako kong babangon ako’t dudurugin ko sila (wag kang matakot, nag mimiditate lang ko, over noh!)

Siyempre first time dibah, hindi ko alam kung pano umorder at pagorder sa restaurant nila. I feel great pah kasi yung kinainan namin eh unlimited sabi ng friend ko. Bakbakan na toh! Minsan lang sa buhay ang unli sa pagkain. uhm. Nagmuni-muni ako sa kapaligiran ng restaurant (In fairness maganda ang venue) at nabasa ko ang “Eat All you Kan——On”.Abah. lukaret din pala tong kaibigan ko noh. Kala ko talaga unlimited ‘yun pala kanin lang. Kung sa bagay practical naman un. Mahal na ata ang bigas sa Pilipinas. Minsan nga gusto ko nang kumain ng bato dahil halos hindi ko na malunok ang presyo ng bigas.

Isang friend ko ang tumawag ng isang waiter para bigyan kami ng Menu pero bago pa kami binigyan ilang minuto pa ang hinantay namin. We understand naman since marami-rami din ang customers nila. Tumingin din ako sa menu noh! Naka order na ang mga friend ko. Inato 2 daw sa kanila, sabi nila yun nalang din oorderin ko. i said No!.Over ang pagkapilyo kaya natagalan akong pumili. pero sa huli xempre i have choice xempre. Kaya ang inorder ko nalang eh “Eynatow 2″. Curios sila saan daw un sa menu at baka masarap but the waiter said “wala poon eynatow 2 sa menu sir”.

Inulit ko baka bingi lang ang waiter. “I said Eynatow2 “

“HUH?!”

“Eynatow 2!!!!!”

“huh?!”

“Pastilan Inato 2 dong! Inato 2

Kulit ng waiter pero okay lang at least alam na nya order ko. kaya umalis agad.

Ilang minuto na ang nakalipas wala ng napansin namin wala pa ang order namin. Halos matatapos na yung mamang huli pang dumating kaysa sa amin. Of course react na kami esp. ako. Nag lalava na ang worms sa stomachh ko. HIndi napigil friend ko sarili nya at pumunta sa cahier para i-follow up order namin.

Sabi nag kahera “Sorry sir nakalimutan siguro ng waiter na dalhin sa table nyo ang mga dish”.

Abah hindi pede samin yan. Ignorance to the customers excuse no one! naglalaway na kami doon tapos ganun lang. Buti may tubig sa table namin. Free ata un at ininum ko nalang to break down my temper.

Dinala na din ng waiter ang mga order namin at nag simula na kaming chumibog. Mabuti’t masarap ang dishes nila at napawi galit ko sa kanila.

Mabilis din kaming natapos at mabilis naming tinapos dahil naabutan kami ng full moon sa tagal ng order namin.

Ngayon alam ko na kung bakit masarap ang kain mo sa Penongs. Kasi gugutumin ka muna bago pakainin. Wag nga lang ako ang gutumin nila, baka mag evolve ako.

Pages
Categories
Archives
Visitors


Monthly Archives
Miscellaneous
RSS Feeds
Spam Hunt