Jun 29

Kumusta na mga dude,kabarkada,kapamilya,kaibigan,kakwela,kaflip at kung sinu-sino pang may ka- sa unahan. Tila napakabilis ng pagdaan ng panahon. Parang kahapon lang ngf huli akong nagsulat ng artikulo dito sa blog ko pero pagtingin ko sa archive nito mukhang nakatulog ata ako ng mahabang panahon. Pero alam ko na alam niyong lahat kung ano ang dahilan kaya hindi ko kailangan pang ipaliwanag ang mga nonsense reasons.

Kaya lang naman ako nagsulat ngayon ay para ipagdiwang ang anibersaryo ng Blog kong ito. Pagkatapos ng araw na ito sa susunod na anibersaryo nito na naman ako ulit masusulat *corny*. Obvious naman diba na June last year ako unang nagsulat ng isang artikulo sa isang blog at ang una kong blog ay ang Gemini is Undecided na hindi ko malaman ang dahilan kung saan ko nahugot ang pangalan at url nito. Kung alam niyo lang kung ano ang pakiramdam ko noon habang nagsusulat.Parang kinikiliti ako bawat pindot ng letra sa keyboard. Sagwa naman atang tignan nun pero pang analogy lang.

Almost weekly dapat may post ako sa blog ko at dapat bibisitahin ko palagi ang mga frend kong ka-blog sa cyberspace para bumisita din sila sa akin. Hindi naman lahat ganun ang intensyon ko kaya ako bumubisita sa blog nila. May iba rin naman sense ang mga topic na kanilang sinusulat na may halong kaalaman with toasted humors. Iyan ang mga prinsipyo ko noon. Ngayon isang taon na ako maibabalik ko pa kaya ang prinsipyo kong ito? Abangan ang susunod na kabanata…

Napaka-boring naman ng susunod na kabanata, pero heto ang karugtong. Sa pagdiriwang ko ng anibersaryo nito layunin kong ibalik ang pleasure and lust na nadarama ko noon. Isusulong ko ang himagsikan sa aking sarili at himukin ang bawat daliri na magsulat. Magiging matibay ako at lalaban tayo!!! (nasobrahan sa gamot at sa panonood ng polical ads).

Ang totoo ay ipaalam ko sa sarili ang totoo at hindi na joke na layunin ko kung bakit ako nagbloblog. Isang taon na ako eh dapat hindi ko na niloloko sarili ko kung bakit ako nagbloblog. Tama dapat nga! At isa lang ang naiisip ko kung bakit ako nagbloblog. heto at i qouqoute ko para mag feeling niyong basahin…

..Now i finally realized. So many times i get hopeless and frustrated. So many times i get confused and i feel like no one is ready to hear every words i say. And yet i still find the way out. Perhaps my reason why i become more aggressive and brave in life. I wrote in this page and in this time because i want everybody to hear the sounds of my soul. I want somebody to feel the roaring heat inside my mind. Once and for all i would like to admit, i blogged because i want you and your irrevocably presence.

O ha! Anu say niyo? Siguro iba sa inyo naisip na baliw ata ang author ng blog na ito. Pero kung matagal kanang taga subaybay ko ang maisisip mo nalang, nag eemote na naman si Dansoy. At kung mapapansin niyo at talagang kapansin-pansin English ang pagkabuo. Mahirap pala magpaka-Shakespeare. Di bale at least na express ko ang totoo kung saloobin.

Sa mga una kung nakikila sa industriyang ito na hanggang ngayon ay naniniwala sa walang modo at kwentang talent kong ito, Salamat ng Marami! mula yan sa kaibuturan at sa kailalaman ng puso ko!

Muli, akoy magiging buhay sa pagkalat ng kunting kaalaman at malaking kagaguhan sa mundo ng blogging at salamat sa pakikibahagi ng saking Unang anibersaryo ng Life and Adventure of Dansoy!

NOTE: Sila ang mga una kong kaberks sa blogging,
Sabrina
Rio
Eji
Bro. Utoy
Aling Baby

Special Thanks to: Kauderwelsch

Tagged with:
Mar 11

This is just a quick post to update my self. I guess i already lost soo many visitors because of my absences in blogging but i’ll promise to catch up as soon as THIS SEMESTER end. It’s right, its all because of the soon to end semester the reason why i get busy. I am currently working for a system and another system for my another major subject. It will kill me in the long run but still striving hard.

Hey, i would to thanks those who keep up visiting my blog (as if there are)

:)

Jan 11

Siguro masasabi kong matagal-tagal na rin akong nagbloblog dito sa mundo ng cyberspace. May mga nabingwit na din akong mga mambabasa o kaibigan na nagpapalakas sa akin ng loob upang magsulat at mag update. Marami na rin akong nababasang blogs na sumasalamin sa hubad nilang pagkatao. Ngayon, nais ko ring hubarin ang saplot ng blog na ito. Upang makilala niyo ako ng lubasan siguro mas mabuti kong malaman niyo ang ugali at katauhan ng artistang nasa likod ni DANSOY. Minarapat kong ilagay ang 8 bagay na talagang samasalim sa katauhan ko.

8. Reading between the Lines. Denotation meaning ang ibig kung tingnan niyo sa pang-walo. Literally, mahilig akong magbasa ng iba’t ibang klase ng libro, Educational Books, Novel, Bible (pa angel kunwari), Sex Text Books, atbp. Pag walang magawa at nababagot mag surf, nagbabasa nalang ako para paglaruan ang aking imahinasyon. Actually, sa future gusto kong gumawa ng novel na may bidang vampire ang lalaki at ordinary lang yung babae na nagkagustuhan sa isa’t isa. Ang title? Pag-iisip ko muna pero mas maganda siguro kong twitwitwi……ahh basta pag-isipan ko muna at baka manakaw ng iba ang intellectual property ko. Ngayon palang ramdam ko na magiging successful ito kong sakaling ma-ipublish.

7. Nagsusunog ng Kilay at dila. Hindi naman sa pagmamayabang at maging sa sarili ko hindi ko alam kong likas naba ito. Mula nung kindergarten hanggang elementary ay average lamang ang akademik perpormans ko. Hindi pinapansin ng mga guro at parating iniitsapwera ng mga MATATALINO. Nag iba ang lahat ng tumuntong ako ng hay skul. Biglaan ang pag labas ng aking IQ na tila nabutas at umuugos. Biglaan dahil naging biglaan din ang pagtaas ng akademik perpormans ko. Mula sa wala ay umakyat at naging TOP 1 ( 2nd year unang nagsimula onwards ). Mula noon pasaway na ang dila ko at tila first blood kong magsalita. Napansin ko rin na iba pag kilala ka bilang matalino dahil nagiging pokus ang atensyon sa iyo ng mga guro. Dumidikit ang mga lintang galing putik at higit sa lahat napakalaking pagbabago ang pagkatuto kong maging ENVY sa tuwing nalalamangan ang score ko. Isa akong malaking lampang matalino.

6. Dobol Kill. Kung sino man ang mahilig maglaro sa inyo ng local/online games ay alam na ang ibig ipahiwatig ng kataga sa pang-anim. Nagsimula lang akong magka-interest maglaro ng mga computer games nung tumuntong ako ng kolehiyo. Una kong nasulyapan ang larong Ragnarok. Hindi ako nagtagal at nag shift ako ng FLYFF. Na enjoy ko rin naman ang larong ito pero mas na-enjoy ko ang RAN ONLINE GAME na inadikan ko ng lubos. Halos ginawa kong tahanan ang internet cafe noon na naglalaro buong magdamag. Kasabay rin nito ang pagkilala ko sa larong DotA na noon ay hindi ko pinapansin. Hindi pa ako gaanong marunong pero minsan nakaka-dobol kill o Godlike kill naman ako ( Kung AI Insane ang Kalaban. ).

5. Magbiro ako sa’yo Wag mo lang akong biruin. Para maintindihan ng taga ibang bansa ang naka sulat sa pang-lima, the english translation of it is “I Joke you but don’t joke me”. Hindi naman minsan pero madalang lang naman akong magbiro. Yung birong alam kong hindi nakakasakit ng damdamin ( pero minsan mukhang natatamaan ko ata ). Palatawa daw ako sa mga taong handang tumawa sa mga korni kong pagpapatawa. Ang kaibahan lang ay ayaw kong ako ang pinagtatawanan. Siyempre lahat naman ata ng tao ayaw pagtawanan pero other meaning ko nito ay maikli ang pasyensya ko. Manipis lang ang balat ko sa pwet kaya madali akong magtampo. Kaya kong may magsabi sa inyo ng “I joke you but don’t joke me” alam niyo na kung anong gagawin.

4. Kagibunshin Nu Jutsu. Sino ba sa inyo ang hindi kilala ang teknik na ito ng isang sikat na ninja galing konoha na si NARUTO? Alam kong isa lamang ako sa bilyon-bilyong fans ng top rated anime na ito. Bilang isang adik lulong ako sa information ng mga iba’t ibang teknik na ginagamit ng mga ninja. Bangag akong makapanood ng free funsub video ng naruto sa tailedfox na ginagawa ko nang weekend commitment. Hindi lang naman naruto na anime ang kinahihiligan ko kaya lang ito ang nag excel sa lahat. Bida rin sa akin ang Pokemon, Detective Conan, Flame of Recca, Ghost Fighter, Dragon Ball, Sailormoon, Totally Spies, Powerpuff girls, Cardcapture Sakura, abah nababaklitch na ata akitch.

3. “Your Scent is like a Drug to Me”. Kataga ito ng isang sikat na movie ngayon. Ang twilight ay isa lamang sa mga movies na talagang tumatak sa akin. Inaamin ko na mahilig akong manood ng iba’t ibang premera klase na mga pelikula. Sa mga taong kagaya ko, mas prefer kong panoorin ang mga hollywood movies/ foreign movies kaysa sa mga gawa ng pinoy. Hindi ko sinabi na pangit ang gawa natin pero nagkataon lang na ganito ako. Minsan nga nanonood ako ng pelikulang pinoy pero dapat Star Cinema lang dahil CKD( Certified Kapamilyang Dabawenyo) ako. Ayokong mag aksaya ng pera kaya hindi ako bumubili ng mga original copy, nagdodownload lang ako sa internet kaya nga lang magasto sa oras pero payts na basta may kopya lang.

2. Social Climber. Hindi ko na ata kelangan pang i-elaborate ang salitang nakalimbag sa pangalawa. Simpleng social climber lang ako at hindi yung extreme na sawsaw sa lipunan. Bakit ko ba nasabi na social cllimber ako? Ewan ko kung tama ba na matanyagan ako bilang social climber basta ang pagkaka-alam ko gusto ko ng mga bagay na meron ngayon ang mga mayayaman. Yung tipong maginhawa ang buhay, may aircon sa bahay, may kotse sa gilid at nag-aaral sa paaralang hindi mo na kelangan pang maglakad ng ilang kilometro mula sa gate patungo sa room. Easy lifestyle is what i want. Pero mas maigi na ata ang buhay meron ako ngayon dahil mas masarap pag naghihirap (iba rin yung mas masarap pag masakit ).

1. Mas masaya pag nag-iisa. Kung ka vibes kita alam mo na yan. Sa panahon ngayon marami ang mga kabataang nag susuot ng skinny jeans, lalaki o babae. Naka slant na bangs, lalaki man o babae. May eyeliner sa mata, lalaki man o babae. Sikat sila sa banyag na EMO. Naisali ko ito hindi dahil sa EMO rin ako physically pero deeply uu. Sabi nila karakter ng pagiging emo ay mahilig mag isa. Malungkot at palaging mababaw ang tingin sa sarili. Minsan ganyan ako. Minsan ang mag-isa ay masaya. Minsan kelangan nating magdamdam. Minsan kelangan nating umiyak. Emo ako hindi sa panlabas kundi sa loob ng brief panloob na katauhan.

Sa walong bagay na nabahagi ko sana naman nakabuo na kayo ng isang imaheng maaring ako. Kung physical ang pag-uusapan tignan niyo nalang si Sam Milby at tiyak malalaman niyo kung ano ang texture ng aking mukha, kamay, dibdib at iba pang bahagi ng aking maselang katawan. Para sa ibang detalye, mas masaya kung subaybayan niyo ang blog ko para kayo mismo ang makadiskubre ng totoong pagkatao ng langyang si Dansoy.

Upang maging lalong emotional ang pagwawakas ng pagbabasa ninyo nais kong ibahagi ang kantang ito na swak sa topic ngayon, irelate nyo kung pano naging swak. Promise its a great song! :)

Tagged with:
Aug 06

Habang nagdaan ang panahon, pahaba ng pahaba na rin ang araw na hindi ako nkakasulat ng tungkol sa buhay ko. Pero kahit na ganun sana eh babalik pa rin kayo para tignan kung may pagbabago ba sa blog ko. Sa oras nga na ito andito ako sa skul at nakikihati ng oras para maka-internet. Para hindi rin masayang ang pagsusulat ko ngayon, ikwekwento ko nalang ang pangyayari sa iba’t ibang aspeto ng buhay ni dansoy.

Bahay

Ang walang kamatayang istorya about sa kuya ko ay nanatili paring halimaw. Kelan lang ng bumalik na ang kuya ko para tumira sa bahay kasama ng fiancee niya. Of course, bukas ang bahay namin para sa kanya kahit pa i-lock ko yan at kadenahan ng ilang pulgadang kadena eh bubuksan at bubuksan parin ng mama ko. Alam kong sa pagbalik niyang tumira araw-araw sa amin ay magdudulot na naman ng bacteria sa bahay namin (masama na ako kung masama, buwahahah). Kaya ngayon lahat ng gamit ko na maaring mahawaan ng bacteria ay tinatago ko na, pati brief ko secured na at nilagyan ko pa ng alcohol (sino ang kuya ko? balikan niyo ang kuya kong halimaw) dahil, sa totoo lang, pag andyan siya sa bahay hindi ko na pag mamay-ari lang mga gamit ko. Lahat ng akin ay sa kanya at lahat ng sa kanya ay sa kanya pa rin.

School

Ang naging dahilan ng lahat. Dahil sa school marami akong namiss na istorya sa buhay ng ibang blogster ko. Halos hindi ko na alam kung ano ang una kung gagawin sa mga projects at assignments na nakalatag sa sahig. May mga programs pa na kulang nalang dudugo ang pituitary gland ko sa ka-iisip kung paano ko gagawan ng codes. Lahat ng subjects ko ay pinarurusahan ako. Minsan pag nag quiquiz kami at hindi ko nakuha ang tama na sagot sinisisi ko nalang sarili at emo na naman ako sa tabi-tabi. Sa tingin ko hindi na ako makakakuha ng malaking marka nito pero kahit na ganun magsisikap pa rin ako.

Things get harder but my hands can break and tear them apart

Alam niyo ba na sa pagbuo ng inglish words na yan dumugo daliri ko (langyang buhay). Totoo na kahit pahirap ang mga lessons ko sasabay pa rin ako sa tugtug. Ika nga ng titser ko na laging naka smile pag nagtuturo (pero ma-iiyak ka naman pag nagbigay ng grade):

Dance with the music

Kung kaya niyong ilarawan ang taong walang music pero sumayaw sa klase bibigyan kita ng pasadong marka.*seryoso* Sa pagkakataong ito naniniwala na ako sa guro kong happysad sa kataga niyang iyon.

Lovelife

Sa hindi inaasahang balita wala akong maisulat tungkol sa buhay pag-ibig ko. Alaws pang nagkakamali sa akin at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit hindi nila nakita ang pag ka-cute ko. Siguro at marahil hinihintay lang nila ang move ko na ligawan sila. Ayaw ko na munang pumasok sa ganyang sitwasyon siguro dahil ayaw kong may kahati sa baon ko. Kaya zero muna sa ngayon.!

preload preload preload