Sep 23
Its been a looooooong time ago since i updated my blog. maybe you have been engraved this website and throw away from the reality. In fact, i am writing now just to let you know that i am still breathing. This house still functioning. I miss the times that someones commented me on my posts. Those times that they (blogsters) used to exchange ideas. Unfortunately i have to give up them in order to achieve my dreams. Of course, education is what i am implying for. Things in school gets harder and harder as i am approaching the higher level. But i don’t have any plan to leave and burn this house.
When i come back in blogging. There will be a complete change in my blog. This will not merely a personal blog of a lost boy from Davao but thoughts and full packed information about….taaaa ddaaaa. Entertainment blog that will be enriched in anime fever infoox (information) and movie discovery. I really wanted to build a place where i can share my insights and experiences about those stuff and i am happy that will be soon happen. Stand by or else good bye. Kidding, Hope your with me and i’ll be over you.
Tagged with: Updates
Dec 18
ZzzzzZZZ….
Anung oras naba? Aw! Masyado na ata akong napasobra sa pagpapahinga. Para akong boy version ng Sleeping Cutie( scripture: Sleeping Beauty). Nangangalawang na tuloy ang mga gamit at iba pang parapernalia dito sa blog ko.
tik…tik..tik..
First of all i would like to apologize to Eji dahil dinandam niya ang sinabi kong ‘MAGBABALIK NA AKO’. Tila na heartbroken siya ng malaman niyang walang katotohanan ang sinabi kong iyon. Ops.! wag muna kayong mag react. Wala iyong katotohanan noon pero ngayon, aba! iba na ang usapan dahil may eksplusibong nangyari sa buhay ni dansoy.
Sa mga araw na nagdaan o sa mga buwang nagdaan, ang buhay ko ay puno ng kamalasan. Aaminin ko sa inyo. Ako ang taong ipinanganak na kakambal si Sam Milby esti malas pala. Medyo OA mang pakinggan pero mismo sa sarili ko alam kong totoo ito. Hindi ko alam kong may utang ba c inday habang inluluwal niya ako sa mundo at nasama sa akin ang utang na kamalasan. Lumaki ako na namulat sa katotohanang sawi ako pagdating sa lahat ng bagay. Lahat ng ito ang masasabi ko tungkol sa buhay ko.
Isang araw (One day) dumating bigla ang tita ko na galing sa United States of America, Florida. Hindi ko memoryado ang buong adres niya kaya wag na kayong umasang dalawin siya ang humingi ng regalo. Umuwi siya dito para ang dalawin ang greatgreatgrandmother ko na na-confined sa isang hospital (may iba paba maliban sa hospital?). Ganun ka maalalahanin ang mga tita ko. Kahit saang sulok ng mundo, naglilingkod sa inyo (Courtesy: ABS-CBN News and Current Affairs).
Ilang araw siyang namalagi dito at sa araw na iyon ay wala siyang sinayang na oras. Araw-araw kasi ang pasyal at kung anu-ano pang travel and tours ang ginawa. Siyempre sino ba ang makakalimut sa mga pasalubong na hatid sa atin ng nagmamahal nating kapamilya. Samu’t sari ang nakukuha ng ibang cousins and mga bros and sis’s ko. To my surprised, sinabi ng tita ko na may laptop daw ako. Nung una akala ko kung anung boses lang narinig ko. Pero kahit pikutin ko ang tenga ko, hiwain ko ang pulso ko o putulin ang japanese helmet ko tila totoo ang narinig ko. Sa wakas totoo pala. Bibigyan niya me ng pagkabonggang bonggang laptop na noon ay tinitingnan ko lang sa mga mol. Hindi ko sukat akalain na dumating sa buhay ko ang ganitong swerte. Nangangamba nga ako baka may kapalit ang natanggap ko (baka may mang rape sa akin..kapalit ng laptop.)
Mula sa pagiging malas sa buhay ay naramdaman ko rin ang pagkakaroon ng swerte.
Kahapon lang umalis ang tita ko pabalik sa estates. Gusto ko ngang sumama pero baka daw pagkaguluhan ako doon. Minsan lang daw kc makakita ng tol, dark, and hansam ang mga kana/kano.
hay.!!
Hanggang ngayon na culture shock parin ako sa laftaf ko. Hindi lang pala laftaf ang blessings na dinala niya. Nagpakonek pa siya ng internet.! naks naman. Mas gaganahan na akong magblog nito. Kaya wag na kayong mag alala dahil totoong totoo na talaga ito.! BABALIK NA AKO.! (May nag-aabang ba sa akin? ’silence’ TT) Kahit walang nag-aabang ok lang. Alam kong si Dansoy ay inaabangan ako (kung may eji pa, sana nga).
Muntik ko makalimutan may picture pala ako ng laftaf ko. Para sakin d’best ito!

Tagged with: mine • personal
Jun 30
Alam kong nakakagulat ang mga pangyayari. Maging ako nagtataka kung bakit nabigyan me ng pagkakataong magkaroon ng ganitong site. Wala akong anting-anting o agimat para lapitan ng swerte, sex appeal lang ata ang natatandaang meron ako. Kung alam nyo lang na sa ilimang taon ika isa lang din ako nakakatanggap ng swerte. It means maghihintay na naman ako ulit ng limang taon para mapagkalooban ulit ng swerte. Siguro dahil nag gluglutha na ako ngayon at parang umaliwalas ng mukha ko kaya lumalapit na swerte. Di bale magnanakaw ulit ako ng glutha ky Doctora Belo. Pero hindi tungkol sa kung ako pumuti ang pag-uusapan natin. Actually, ang blog na ito ay karugtong ng talaan ko ng aking napakagulong buhay.
Samu’t saring adbenture ulit ang isusulat ko sa bago kung blog na ito. Mapupuno na naman ang buhay niyo ng pighati sa kababasa ng napawalang kwentang mga artikulo ko. Dito, mas masaya at kwela ang sa inyoy sisiguraduhin ko (naks kinreer talaga). Malalaman niyo ng lubusan kong pano ko ibinabaliktad butas ng ilong ko. Madidiskobre niyo ang sekretong pinakaiingatan ko. Mahahalungkot niyo ang dahilan kung bakit may palakang nag jejebs. Lahat ng ito’y matutunghayan niyo.
Masarap mang magsulat ng may nagbabasa pero hindi ako namimilit sa mga taong hindi gustong basahin mga artikulo ko. Hahayaan ko lang sila at pag sumikat na ako,.. Babangon ako’t dudurugin ko sila!.Ay! sorry, na Carried away lang seriously nasa sa inyo na iyon. Basta ako hindi ko kayo tatantanan at susulat parin ako ng susulat. At sa mga handang sumubaybay may autograph kayo sakin.
Hindi makukumpleto ang panimulang post kong ito kung walang pasasalamat. Taos puso akong nagpapasalamat sa aking ever dynamic and lovable tita na si tita fe sa pag offer sa akin ng subdomain na ito. Hindi na ako nag tataka kung bakit generous ako, yun pala may pinagmanahan. Nagnakaw ako ng picture niya para makita niyo na model din tita ko.

Model na model kung pumurma diba.
To my tita: Lots of thank you’s (may ’s kasi madami).
Sa panimulang ito magkapit paa tayo at samahan mo ako sa paglalakabay ko mula sa lugar na walang bigas na pinagmumulan ng sangkatirbang mandurugas…Pilipinas.!