Archive for the ‘katotohanan’ Category

Babaeng Disgrasyada

Friday, July 25th, 2008

Napansin ko na medyo madalang na lang ang pagsulat ko ng post dito sa dansoy world. Kung alam niyo lang kung gaano ka busy ang isang henyong katulad ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi nalang ipinagkaloob sa akin ng maykapal ang ganitong katangian. Parang hindi ko ma-take ang responsibility. Well, ganyan talaga ang buhay at kailangang tanggapin ko ang hubad na katotohanang ito.

Baka san pa ako mapadpad kaya uumpisan ko na ang kwento. Kwentong about sa kaibigan kong disgrasyada. Alam kong hindi na bago sa ating lahat ang pagdisgrasyada/do natin. But believe me or not but i want you to believe me na namumukod tangi ang pagka Tangertz niya. Minsan kasi naikwento niya sa akin ang mga eksena kung saan nagpaka-lorelie siya. At proud siyang inamin in-fairness na to d’ max ang pagka-Tangertz niya. Actually sa haba ng kwento niya ginawan ko nalang ng buod para hindi tayo tumanda sa kakabasa ng ka-tangertz niya.

UNA. Alam na alam nating lahat ng tao ay nagkantaugauga sa paghahanap ng salapi sa kahit anong paraan. Halos pinapawisan na tayo ng maraming singot magkapera lang ng pagka-bonggang-bongga. In contrast of this, ang babaeng disgrasyada ay nakuhang itapon ang 200 sa public garbage bin. Abah! mayaman si ate. Yan ang akala niyo pero pagkatapon niya ilang minuto pa niyang tinitigan ang basurahan at nag concentrate kung ano iyong naitapon niya dahil na sense daw niya na nangangamoy ang basurahan bigla. In our surprise at sa walang pag-alinlngan buong lakas niyang tinignan sa loob kung ako ang natapon. Nung nakumpermang pera, lakas-loob naman niyang kinuha ito inside the public garbage bin. Come to think of it, public yun kaya maraming tao ang dumaraan. kaya naman tinignan siya ng ilang kataohan doon. San kapa sikat na siya. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon hinanap pa rin niya ang pera at ng nakuha na automatic na lumakad na agad ito na parang wala lang. At dahil sa ginawa niya dumarami na ang naging sikat sa pagtatapon ng basura!

PANGALAWA.Masaya ang araw niya at that time at papunta daw siya ng school sakay ng jeep, of course. Dagdag pa niya susuwertehin daw siya this day (ganun bah? tignan natin at makaka-good-day paba ang babaeng disgrasyadang ito). Malapit lang ang school niya sa boarding house niya kaya naman malapit na agad siya sa babaan ng jeepney. Kukuha na sana siya ng pera ng…uhm…iininom muna ako ng tubig. gulp-gulp-gulp-ahhhh. Ok. kukuha na sana siya ng pera ng biglang nag ring ang cellphone niya at sinagot niya. Pagkatapos ng conversation balik agad siya sa pagkuha ng pera. At pa ahhhhhhh siya sa sakit. Sa sakit na nararamdaman niya sa loob ng puso niya dahil ang pera niya ay naiwan. Nataranta na siya at tila hindi na alam ang gagawin. Papalapit na siya sa skul at nakakahalata na rin ang mga seat mate niya sa jeep dahil nag murmur na ito na wala siyang pera. Nagpapa pansin ata para pahiramin.

Tumapak na ang gulong sa babaan sa skul niya. Bumaba siya at tumungo sa driver. Ang mata ay nagliliwanag at ang mukha ay pacute ng pacute habang kinaka-usap ang driver na wala daw siyang pamasahe. Ito ang swerte niya, ang driver ay mabait kaya naman inabswelto siya sa pagbabayad ng pamasahe at hindi nalang pinabayad. May convincing power ang babaeng disgrasyadang ito at may puppy style pa at naging maamong tuta. tsk tsk.!

PANGATLO.Nasa jeep na naman ulit siya at that time. Kasama ang parents at boysitprend niya. Galing sila sa kung saan man yung lugar. At ang nangyari ay wala kasi after nun bumaba na sila. Mga ilang sigundo naisipan niyang kunin ang cp sa bulsa niya. Sa kabutihang palad nawala ito. At ang kongklusyon, naiwan sa jeepney. Isang kabilib-bilib na naman na eksena ang ipinamalas niya. Hinanap niya ang jeep na kanyang sinakyan sakay ng taxi. Akalain niyo kahit mahal ang gasolina wala siyang paki alam mahanap lang ang 3310 niyang nagkikinang na cellphone. Mga ilang segundo ulit ng paghahanap nakita niya ito sa gasolinahan at sumugod pagkatapos ay hinalughug ang buong parte ng jeepney.Sa upuan, sa ilalim ng upuan, sa manibila, sa driver’s seat, sa makina, sa gulong, sa bubong. Lahat at walang itinira sa paghahanap. Tumulo na ang dugo sa ilong niya na kulay ay hindi na pula kundi itim na dahil sa liquid na nasa makina. Sa dulo ay hindi niya nahanap ang pinakamamahal niyang 3310 na cp. Ty sa cp ko!

Ilang araw tinawagan niya ang old cellphone niya at nagbabasakaling macontact ang nakakkuha at sinabing

Salamat , dahil sa iyo 1100 na ang cellphone ko.

Isang pang best aktress na katagang deserbing lamang na palakpakan.!!!!!!!

Halos madami pang mga pangyayari sa buhay niya pero itong tatlo lang ang nasabi saking talaga nabubuwang ako. Kung ikwekwento ko pa dito baka hindi na kayo bumalik sa katinuan niyo. Pero kahit na ganun ang takbo ng kapalaran ng babaeng ito may naitulong din daw minsan ang pagiging disgrasyada niya sa sarili niya. Kung ano iyon sa kanya na iyon.

Ang kuya kong halimaw

Sunday, July 13th, 2008

Naranasan nyo na ba ang magkaroon ng kapatid na halimaw? Swerte ko lang at nagkaroon ako ng isa. Lalaki pa, lang hiya talaga. Bunso ako sa magkakapatid at dalawa lang kaming halimaw, este lalaki pala, sa pamilya. Akala ko kasi kayo lang ang magkakaintindihan dahil nga sa pareho ang maaring maging hilig nyo. Sabi nga papa ko dapat magkasundo kami sa lahat ng oras. ‘Yung magkasangga sa buhay. Pero tumanggi ako. Akalain nyo bang ipangkasundo ako sa halimaw. Ayaw ko nga. But wait.. Did you know why halimaw siya? Baka siya ang magiging bida dito kasi inaaway ko siya kaya sasabihin ko sa inyo bakit halimaw ang kuya ko.

kahalimawan[1] - Unang kahalimawang ginawa ng kuya ko ay nung bata pa ako. Tarantado kasi yun. Akalain mo bang nilapat niya sa maputi kung mukha ang kamay nyang putik at &-%$@! ang hinahawakan.Nakakuha at ako nang low job at high punch sa oras na yun. Of course hindi ako papayag na hindi makaganti. Pinahiran ko siya ng alkohol. Lucky siya at that time kasi 25%solution lang na alkohol ang naipahid ko kundi may tendency mamamatay ang mga alaga nyang yucky sa katawan niya. Kaya lang naubos agad ang alkohol. Kawawa tuloy ang face at body ko dahil napuno ng stapilococcus halimawasi punch.

kahalimawan[2] - Matapos akong biktimahin at binaboy, ate ko naman ang pinatakim niya ng kahalimawan niya. Kunting bagay lang nag-iinit agad ang buntot. At parang hindi namin kuya dahil dapat kami pa ang umintindi sa kanyal(lahat naman talaga ng halimaw hindi marunong umintindi). Computer lang ang dahilan ng muntik na pagkabasag ng mukha ng ate ko. Eh kasi halimaw kaya hind nagpaawat. Gusto kasi niyang siya na naman ang magcomputer. Aba! kakatapos nga lang niya therefore bago lang kami at nagsisimula pa lamang. Pero pili t niya kaming pinapaalis kayat naglaban kami nag combine power kami using our hidden strength, conjoined ultra mega tikling style. Pero malakas talaga halimaw na yun kaya talsik agad kami. Bumangon ate ko at naglaban kaya yung halimaw nagmumukhang apple na at ipinusisyon ang katawan para sa stapilococcus halimawasi punch niya…

Nang biglang…

…..

…..

Pumagitna si mama at sinabing ” TAma na! andyan kayo, kahit andito na ako san’ mang lupalup ng mundo. Dito dala-dala ko(tinuturo ni mama sarili niya) ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang niyo ako!!!”

Naalala ko bigla…

si Vilma Santos sa pelikula niyang anak. MAganda kasi yun. Akala ko yun sasabihin niya hindi pala. In short sabi niya. “KAkain na kaya tama na ha.!” Ito ang mas award winning diba. Kahit na ganun proud ako sa mama ko, she could manage to settle the fight in time, kundi wawa ang beauty face ng ate ko.

Kahalimawan[3] - Again, dito ako parin ang bida kaya bilang bida kailangan laging mabango kaya’t galing ligo ako at that moment. On my move to open my legs and i raise my one leg so that i could reach the higher stair, samakatwid humakbang ako para makapunta sa average-velocity-upstairs ng bahay namin. Ito na, ang halimaw walang patawad, umiksena. Bigla niyang gustong hablutin ang towel na that time un lang ang nagcocover sa yaman na pinakakatangi ko. Ewan at nababading ata ang halimaw at naisip niya iyon. Ok lang sana kung kaming dalawa lang. Huhubarin ko pa sa kanya para at least no effort na siya sa paghuhubad sakin eh kaso may mga ibang tao pa. At yun marahil ang maitim niyang binabalak. Ang pahiyain ako sa madla. Hah.! hindi niya alam may malapit na solid thing sa kamay ko. Laruan ko noon na pagka-cute-cute na ginawa kong attack sa kanya. Tinira ko siya ng laruang iyon ng paulit-ulit. Nung nanghina na siya na parang nawalan na ng shakra ay eskapo agad ako papuntang taas ng bahay. Ang hindi ko alam, hindi pa pala ako ligtas. Nung natapos na akong magbihis rumisbak ang halimaw. Wala na akong nagawa dahil naubos rin ang shakra ko sa attack ko sa kanya. Sa taas niya ako pinagsamantalahan…..pinagsamantalahang bigyan ng multiple injury of frustrated murder resulting to stapilococcus halimawasi. Sa atak na ito na puruhan talaga ako. Lang hiya, bumuhos nalang ang tubig na maalat sa face ko. La na akong magawa eh, shinaringgan ata ako ng palihim.

Sa kabuuan marami pa talagang factor kung bakit naging halimaw kuya ko. Ayaw ko nang balikan ang ibang ginawa niya sa akin. Baka maging halimaw din ako. At baka ikaw din. Pero sa kabila ng lahat, alam ko kuya ko parin yun kahit itnuututan kami ng amoy na nakakamatay.

Teka? Sa inyo rin ba may halimaw? Wag nang mag alanganin pa i blog mo na. Oh baka naman ikaw ang halimaw sa kapatid mo?

Bukabularyo:
1. Stapiloccus halimawasin-isang uri ng attack na pahalimaw ang move.
2.average velocity upstairs-part ng bahay na parang nag-aalanganin kung 2nd floor siya o 1st floor.
3.conjoined ultra mega tikling-move ng mga taong umaatake na 1% effectiveness ng attack.
4.multiple injury of frustrated murder resulting to stapiloccus halimawasi- Series of moves ng isang taong almost halimaw na ang mukha at may 100% na makakapinsala sa katawan mo.

NOTE: ANG BUKABULARYONG ITO AY GAWA GAWA NG TAONG WALANG MAGAWA, SORRY NA PO.

Pages
Categories
Archives
Visitors


Monthly Archives
Miscellaneous
RSS Feeds
Spam Hunt