Bolpen ng buhay ko
Thursday, July 10th, 2008Isang oras akong nagmukmuk at nangungulangot sa silid aralan. Wala kasi ang titser namin sa naturang oras. Dahil sa walang magawa nagawa ko nalang tignan ang bolpen na hawak-hawak ko. In fairness, pilot bolpen ko kaya matibay siya. Bukod niyan useful pala ito kasi nagagamit ko sa pangungulangot. Lalo na kung nagmamatigas ang naninirahan sa ilong kong magsi-alisan. Pero ano ba talaga ang mangyayari kong wala akong bolpen o ayaw kong gumamit ng bolpen?
Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa bolpen dahil may nagbabasa ng mga post ko ngayon. Dahil……
pag walang bolpen, walang notes…
Pag walang notes, walang school….
Pag walang school, walang diploma……
Pag walang diploma, walang trabaho……
Pag walang trabaho, magugutom ka…..
Pag nagutom ka, papayat ka…….
Pag papayat ka, papangit ka……
Pag papangit ka, wala kang syota……
Pag wala kang syota, wala kang asawa…..
Pag wala kang asawa, wala kang anak, madidipres ka…..
Pag nadipres ka, magkakasakit ka…….
Pag nagkasakit ka. Wala ka nang energy para gumawa ng bagay bagay, magiging tamad ka……
Pag nagiging tamad ka, wala nang magbabasa ng post ko……
At pag walang magbabasa ng post ko, hindi na ako magbloblog…….
Pag hindi na ako magbloblog…..wala na. End of the world……
Kaya ganun kahalaga bolpen ko. Kahit na mahulog ko man ito sa onidoro, kukuni ko agad ito ng wala pang 5segundo para walang dumi. Oh ha.