Archive for the ‘kablog’ Category

Ang huling hininga sa katatawa.

Wednesday, July 2nd, 2008

Dahil walang magawa sa buhay, isang araw akong nagliwaliw sa cyberworld ng intirnit. At napunta ako sa blog ni badoodles na may ginagawang patimpalak para sa mga taong may balak umeksina sa clowns araneta para baliktadin ang ilong ng mga taong may asthma. Uu may krimen itong pinapalaganap at ito ang “Project Lafftrip Laffapalooza”. Sa pamagat pa lang parang gusto ko nang halikan ang monitor ng compyuter ko. Pero hindi bale, naging intersado ako dahil may iniidolo rin akong mga blog na kahit papa’ano’y kiniliti pwet ko. Marami nga masyadong pagpipilian pero hindi lahat mayroon x-factor. Kaya sa mga may x-factor para sakin saludo ako sa inyo dahil si dansoy ay iboboto kayo. Narito po sila your majesty:

1. Nakuha ang unang pwesto ni Billycoy na idol ko sa pagsusulat ng buhay niya na puno ng dumi at pananamantala. Lapitin ng mga chiks at hen pati rin rooster na babading sa kanya.

2. pangalawa ko si xienahgirl na halos magpapakamatay sa blog niya. Ang hot na chiks na ito na may eggplant sa gitna ay walang kaduda-duda na certified komedyante.

3. pangatlo ko ang kakalabas lang sa mental hospital na si inday. Ipinalabas siya sa naturang pagamutan ng may sakit sa utak dahil alam nilang kakaylanganin siya ng blogosperyo. Hindi nasayang ang ginawa nilang iyon dahil si inday todo na ang pagpapatawa. Resulta ata ng ilang ulit na chemo na ginawa sa kanya.

4. Ito ang reyna ng bansang pilipinas ,si reyna elena. Siya ang bestfriend sa blog ng tita ko kaya friend ko na rin siya. Nagagawa niya ang pagpapatawa na may sense kaya hindi ka mabobored(period)

5. Ang panglima ay nagmula pa sa planetang ang blog niya yekok, si FerBert na may blog na kokeymonster. tama nga siya ang may pakana kay kokey at hindi ko alam kung bakit ganun na lang ka sikat magsulat ni kokey ng tagalog gayong korekorekok lang ang alam niyang sabihin noon.’Yun pala siya ang nagmamanipula. Grabe talaga ang epekto ng bagong henerasyon ngayon pati alien nakakapagblog na. Okey ka kokey.!

Iyan lang sila ang sa tingin ko ay nakakasuffocate sa pagpapatawa. Kung may umepal sa mga payborits ko, bahala kayo. Post kayo ng inyo dahil sila lamang ang CBK (certified Buffalo na komedyante) na nakikilala kong nag eexist sa mundo.

Cyber Gift

Saturday, June 28th, 2008

Hindi ko inaakala na totohanin ni sabrina ang paggawa ng cartoon na , siyempre, ako ang bida. Isang gabi ko lang hiningi sa kanya na gawan ako ng pinaka astig na cartoon ang mukha ko. Sa di inaasahang pangayayari, nakabuo siya ng pinka-ka-cute na face sa balat ng lupa. Sana noon pa nag paggawa na ako. Di sana artista na ako ngayon.

Sa tulong din siguro ng napamalikhain niyang kamay at pagka-imaginative ng kanyang utak kaya niya nabuo ang obra maestrang ito. Nagagalak ang puso at damdamin ko dahil regalo niya ito sa nakaraang karaawan ko. Pano nato!! Baka ma discover ako dahil lamang sa poster na ito. ?! Pero di bale ipapakita ko parin sa inyo alang alang sa mga fans ko. Here it is, endorser ng BLOG ko:

dansoy

MARAMING SALAMAT, SABRINA

white rose for ‘TAG’

Tuesday, June 17th, 2008

The fab and furious site surprisingly tagged me. This is my first tag in my blogging history. And now i guess i should work my part as being tagged.

What does a white rose represent? White is a color symbolic of many positive things, such as marriage, purity, virtue, and innocence. White is linked to emotions of harmony and serenity. The breathtaking purity and simplistic beauty of a white rose can’t be beat.

White roses signify deep, clear emotions. They are given without reservation or ambivalence. The red rose signifies lust or passion, but the white rose goes much deeper to suggest an infinite love that goes to the very core of one’s being. It carries an almost spiritual significance. White roses symbolize devotion, kindness, and deep friendship in love.

Now we are passing on this shining, shimmering, splendid white rose to some of our friends and we are tagging them as well…

juicelog

davilish

Alf

Marchie

Sabrina

Click and Vote

Saturday, June 14th, 2008

Ang babaeng itinakda ko bilang isa sa mga Best Teen Filipina Designer ay nakakagulat na nakapasok sa finals ng Candymag Blog Awards. NArito ang itinakda ring poster na sanay paniwalaan nyo ang nakasulat.

her site is Xsabrina.chic productions

Kailangan nyo munang mag register HERE bago kayo bumuto para hindi kayo mapagkamalang makapal ang mukha dahil bubuto kayo hindi naman kasali o myembro. Tapos ay sumugod agad sa botohan at pwede nyo nalang AKONG i-click para hindi na kayo matraffic.

Dali na at bumuto. Huwag matigas ang ulo.

Pages
Categories
Archives
Visitors


Monthly Archives
Miscellaneous
RSS Feeds
Spam Hunt