Feb 08

The Month of February is here. Bakit ko binanggit ito? Simply because nakatatak na sa ating isipan ang ibig sabihin ng naturang buwan. Kaugnay nito ang mga salitang pag-ibig, relasyon, syota, babe, beh, honey, sweetheart, puso (puso ng baka, baboy, ahas at saging), uyab, love, sweety at marami pang eklavu na ginagamit na tawagan ng mga langyang lovers.

Siguro karamihan sa inyo ay taken na or unavailable kaya tiyak na magiging masaya valentines day niyo. Pero paano naman yung mga walang bibot na kayakap at kahalikan ngayong darating na araw ng mga puso? Kelangan ba talaga nito para ma feel mo na nakikiisa ka sa kasiyahan?

It may sounds unbelievable but yours truly ay certified single pa. To be more specific, bago lang ako naging single ulit pagkatapos ng isang araw pero napakagulong relasyon. Hindi na bago sa akin ang mga eksenang ganun dahil sanay na ako. I’ve got 6 puppy gf way back in my high school days. Apat doon ang hindi seryoso at nagbabahay-bahayan lang samantalang 2 ang iniyakan ko at niluhuran ng asin. At hindi rin sa pagmamayabang pero yung 4 na binanggit ko ay ako mismo ang nakipag hiwalay sa kanila. Iniisip ko nga na baka karma nun ang dalawang magkasunod na iniyakan ko.

I could still remember my moments when i used to accompany my girlfriend (isa sa 4 na ex’s ko.:p) all the way up to their home just to secure she’s safe. I think its typical for everyone na makaramdam ng ganung excitement pag baguhan sa pag-ibig. Yung tipong hindi napapagod samahan at ihatid ang mahal mo kahit na cubao hanggang baguio pa ang iyong lalakarin. Pero all of a sudden mawawala nalang iyon ng bigla. Depende rin kong ano ang itinadhana. Maaring siya ang una at pinakahuli mong mamahalin. Posible rin namang mabuntis mo siya kahit hindi kapa tuli tapos saka mo pa nalaman na hindi pala siya ang gusto mong mapangasawa (matapos mo siyang i-divirginize).

I ‘m glad. I ‘m contented. Nakatapos ako ng high school ng walang nabuntis at still certified virgin.

Hindi nalang siguro ako maghuhunting ngayon ng mamahalin. Masakit at sariwa pa yung kasalanang aking nagawa. Kasalanang ginawa ko sa kaibigang minsang minahal ako ng totoo pero wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko munang maging single at ayoko kong makasakit pa nang ibang damdamin. I believe that every woman deserves to be loved and don’t let them draw out even one teardrop pero kung sa kama ang eksena ok lang kahit humagolgol pa siya.

This valentine, i wish all heart broken organism will be able to move on and let time mend their shit and bloody heart, the same thing i will to do to myself.

“When you are in Love you can’t fall asleep because reality is better than your dreams.”

-Dr Seuss

Tagged with:
Jul 20

Wala lang kasi akong ma-i post. Dala ng pagka indemand sa school, kaya kunti nalang ang oras ko sa pag iinternet. Pag may kunting oras ako doon na ako nag oonline at pumupunta sa kahit anong site na mapag tripan ng mabilisan. Pagkatapos pagka uwi ko naman sa bahay hindi na ako makakalabas dahil iba ang inaatupag ko.. ang panonood ng NARUTO! ok diba! astig.

Sa tinagal na sa pagpapalabas ng naruto nagyon lang ako na aadict ng husto. Lalo na sa Shipuuden epesode nito. Alam kong alam niyo na ang estorya ng Shipuuden. Isang storya na kung pag iisipang mabuti nakaka antig ng damdamin. Emo na kung Emo pero ramdam ko kung ano nagagawa ng tunay na pagkakaibigan. Papel at lapis lang naman ang bumuo sa palabas na Naruto pero napa-isip pa rin ako kung bakit nabubuo ito ng bagay na nakakahatak ng damdamin ng manonood. Hindi ko alam ang dahilan pero sa pagkaka alam ko sapul ako sa kontent ng Shipuuden. Ginagawa ang lahat mag buwis man ng buhay. Makasama man si Sai na nanunukso ng “you have a little *dick*” . Wala kang paki alam maligtas mo lang si pedro Naruto sa kamay ni Orochimaru. Kahit na gawin man ang paborito kong kataga ni naruto:

if he rips my arms off, ill kick him to death.
if rips my legs off, ill bite him to death.
if he rips my heads off,i’ll stare him to death.
and if he gauges out my eyes,i’ll curse him from beyond the grave.

Siguro nga masyado na akong naadict at pati dito sa blog ko nagawa ko pang gawan ng post ang naruto. Sana nga lang napanood niyo ito para intact tayo at alam niyo ang feeling ko. I bet there are many of you (Naruto addict).

Jul 04

Masyado na talagang malakas ang epekto ng medya sa mga tao. Kaya hindi kataka-takang gamitin ito daan ng mga businessman para i promote ang mga produktong kunwari’y nakakapaganda at nakakapagdulot ng satispaktion sa bawat tao. At para maging sikat ang produkto gumagamit sila ng mga artista o isang kilalang peronalidad para mag endorse ng produkto. Mas sikat, mas bata at mas maganda-mas tatangkilin ng mamamayan. Sino nga ba naman ang bibili kong pangit ang mag eendorse nito? Gaya ng shampoo, siyempre iba’t ibang produkto ng shampoo ay may kaniya kaniyang eendorser. Kaso masyadong madaming endorser ang magaganda kaya para hindi na ako mahirapan inilista ko ang pinkamagandang endorser ng mga shampoo, maganda na seksi pa.

1. Head and Shoulder

Sino nga ba ang hindi mahahalina sa alindog ng isang lobo. Si Angel ang namamayagpag na endorser ng head and shoulder na talaga namang nahatak niya ang puso ng bawat pilipino. Marami ngang gumagamit nito kaya pati buhok sa ibaba *basta buhok sa ibaba* ginagamitan na dahil lamang sa mala diyosang endorser.

2. Sunsilk

Ang mala innosenteng imahe ni Marian ang pinkakagugusto ng lahat. Kahit anong iindorse niya ay talaga naman papatok. At isa na rito ang Sunsilk na tinangkilan ng mamayan ng dahil sa kanya. Sinubukan ko ngang bumili kaya lang naubos na raw ng marian na ang naging endorser.

3. Palmolive

Siya ang pinakahinahangaan ko sa lahat dahil taglay niya ang mukha ng bagong henerasyon. Si KC ay isang certified best endorser sa kahit anong produkto. Mapa buhok man o derma, lahat sakto para sa kanya. Lab ko yan eh.

4. Pantene

Sa totoo lang madami naman talagang magandang endorser ang pantene na bukod sa magaganda na respetado pa sa pag akting. Pero bukod tangi ang gandang nanalaytay sa diyosa ng mga maligno na si Claudine. Kung siya lang ang totoong reyna ng maligno mas pipiliin kong maging kasapi niya. Swerte mo nga dahil miyembro kana ng pangkat niya. Uu tama ikaw nga diba maligno ka? Aminin.

Ang ganda nilang lahat ay wala lamang sa ganda ng endorser ng Clear. Siya ang sinasabing namumukod tanging taga pag-alaga ng buhok natin. Sa lahat lahat siya ang tunay na may gandang dala ng pagkahaba ng kanyang buhok.

Walang iba kundi si…..

5. CLear

Astig diba? Sa dinadami ng buhok ni piolo na maaring tumubo kahit saan clear lang gamit niya. Ayos na ayos sa mga seksing balbon. San ka pa?

Tagged with:
preload preload preload