May 09

Medyo napadagal ata ang pagpahinga ko. Madali lang kasi ang panahon at masyadong mapaglaro ang oras. Tapos na ang isang semester ng impyerno. Pero ngayon ay pumapasok parin ako sa campus dahil sa aming kors may summer talagang dapat pag aralan. Walang baka-bakasyon. Patayan na kung patayan. Mag drop-out na ang mag drop-out. Hindi ko alam kung makatarungan ba o hindi ang mag lagay ng subjects sa panahong dapat tayo ay nasa beach. Basta kung ito ang daan para makapag tapos ng maaga wala akong magagawa kundi ito ay sundin na parang batas ni arroyo.

Hindi about sa summer class ang gusto kong ishare sa inyo ngaun sa pagbabalik ko. Medyo matagal-tagal na rin akong nagbloblog. Isang kapat nun ay blogging at tatlong kapat nun ay hiatus. Sa hinahaba ng post malapit na akong mag iisang taon. Balak ko sanang mag lagay ng porn clip sa kaarawan ng blog ko pero naisip ko bad yun. At baka ma dungisan pa ang malinis na theme kung blog. Balak ko nalang na magiba ng theme at pagandahin muli ang bahay ko sa internet.

Paran kahapon lang ng nagsimula akong magblog. Nagtatandaan ko na ultra-mega-super excited ako nuon nung unang subok ko sa pagbloblog. Halos araw-araw akong naglalagay ng entry at araw-araw nangangalap ng bisita. Kasing sarap ng leche plan ang eksperience kung iyon. Ngayon, madalang nalang at unti-unting iniiwan ng ma bisita. Isa lang ang rason kung bakit ako nagbloblog. Ito ay dahil gusto kong may kausap. May nakikinig ng kwento ko at may dumadamay sa akin. Kaya na gusto kong icelebrate kaarawan nito dahil naalala ko ang ko ang mga iyon.

Sana makita ko ulit kayo sa araw ng kapanganakan ng aking blog. May attendance! Ok lang kahit kunti basta meron lang dumating. Imbitado lahat ng mga unang nakikilala kung blogista (sabrina kasali ka dun :) , Aling baby, eji, rio, atbp… )

Dec 23

Sadyang kay bilis ng panahon. Dahil sa pagiging busy natin araw-araw ay hindi natin namalayan na christmas na pala. Uu, aaminin ko sa inyo na hindi ko talaga naramdaman ang pagdating ng pasko. Kung hindi dahil sa tita ko na nagbigay ng laptop sa akin ay hindi ako mamumulat at malamang may selebrasyong sasapit.

Ang christmas para sa akin ay dapat lang na ipagdiwang ng masaya at malungkot. Masaya dahil nagagawa ng paskong buuin ang miyembro ng pamilya. Kahit saan mang lupalup ng mundo, napagkaka-isa ng pasko ang bawat puso ng tao. Malungkot dahil walang choice ang mga kuripot na maga nilalang kundi gawin ang pinka-enemy nila-ang gumastos ng malaki. Kala niyo ha.

Basta christmas ang pag uusapan hindi naman talaga maiiwasan ang magpakapal ng mukha at habulin ang mga ninang at ninong para singilin ang regalong ilang pasko ng nagdaan ay hindi parin naibigay. Kahit ako meron ding mga gusto. Kaya nais kong i-share sa inyo ang top 5 na pede niyong pagpiliang ibigay sa akin ngayong pasko. May bukas  pa kayo para bumali. I’ll accept late gifts.

Nokia N97 Cellphone

Nokia N97

Isang napaka-irresistable material sa buong mundo. Mayroon akong cp pero hindi gaanong maganda at nagloloko na. Sinyales na ata ang kanyang pagloloko na kelangang palitan ko na ito.

Sony Playstation Portable

Sony Psp

Mahilig akong maglaro ng Gameboy. Pero sa kasamaang palad ay natigil ito dala ng pagkakasangla ng aking pinakakamahal na gameboy. Kahit ilang dekada na akong hindi nakakalaro nito, nafifil ko parin ang passion at lust sa gameboy. Psp ang nilagay ko dahil ito ang upgraded version ng gameboy. Kung gameboy ang bibilhin niyo ok lang pero kung magpupulit kayo na regaluhan ako ng sony Psp ok lang din.

Laptop Cooler

Cooler

Dahil napaka-init ng Pilipinas at nakalimutang bilhan ng tita ko ng cooler ang aking lappie , sa palagay ko mapapasaya niyo ako sa cooler. Almost lahat ng laptop ay may 80% tiyansang masisira  kung walang cooler ( at/or kung walang air con ang kuwarto ).Piliin niyo nalang toh, mura lang yan.

Condominium

Condo

Gusto ko lang kasing manirahan ng mag-isa. Yung tipong independent at the same time relaxing. Ako na ang nag hanap, bayaran niyo nalang.


MacBook

Laptop

Hindi naman sa ayaw ko ng kung ano man meron ako ngayon pero iba lang kasi pag mas astig yung laptop mo diba. Lalo na kung matibay at high quality ito. Expensive pero sulit pag ni-regalo. (salamat sa ever dearest tita and her family ko na nagbigay ng laptop sa akin. Salamat ng marami .)

Ngayong nakita niyo na sila sana naman nakapili na kayo. By the way kung sino man ang mag bibigay may card ako sa inyo bilang appreciation sa regalo niyo.

Aside from those wishes, hiling ko din na magkabati na ang ABS-CBN at GMA, Aministrasyon at Oposisyon, Paquiao at Dela Hoya, Marian at Karylle, Tom at Jerry at marami pang mga nag aaway. Naway tigilan na natin ang away at tayo’s magka-unawaan at magkapatawaran (Iboto niyo ako sa susunod na halalan). Isantabi ang mga poot at galit at hinanagpis at mga baho para mabigyang daan natin ang pasko. Muli, ako’y bumabati ng

FELIZ NAVIDAD AMIGOS, AMIGAS.

Tagged with:
Jun 06

Ang araw ng kapanganakan ng pinaka cute na nilalang ay muli na namang napadaan. Kahapon nga lang ay nagdaos ako ng aking birthday. Ipinagdiwang ko ang aking ika-17 birthday na infairness may ‘teen’ pa rin sa dulo kaya hindi pa ako matanda. This is my most memorable birthday so far dahil ipinagdiwang ko ang aking kaarawan sa gitna ng daan. Baka isipin nyo nagpaparade ako pwes mali kayo. Sa katunayan binaha pa nga ako. Oh san kayo makakakita ng ganun.

JUNE 05, 2008

Nababagot ako pag hindi ako umalis sa bahay sa araw ng aking kaarawan at iyon ay natural ko nang ginagawa. Si ermat din ay may balak pumunta sa bahay ng aunt ko. Wala akong mapuntahang iba eh kaya sumama nalang ako sa ermat ko at nagbakasali mailbre ako ni ermat ng KFC.

Sa pagpunta namin sa kastilyong bahay ng aunt ko medyo maayos pa ang panahon at tila alam niyang may lalakarin ako. Maayos din ang trapiko at hindi nagloko na kagaya ng pag may pasok ako kaya mabilis kaming nakarating.

Sulit na sulit ang pagpunta namin dahil first time kong makapiling sa birthday ko ang mga pinsan ko galing germany. Bagamat hindi nila alam na kaarawan ko dahil hindi nila alam at hindi ko rin sila sinabihan. Masaya pa rin ako. Sa bahay ng aunt ko na rin kami nag tanghalian.

Dapit hapon na rin iyon ng nag decide kaming umuwi na ni ermat pero binawi ata ng panahon ang magandang klima at umulan ng pagkalakas lakas. Pero hindi nagpa daig si ermat at sumulong sa ulan maka uwi lang ng maaga. Wala akong choice kundi sumulong na rin. Ang maganda pa nito pagdating namin sa kanto walang sasakyan na dumaan ang hindi puno. Gosh! Ilang minuto na ang lumipas puno parin ang mga sasakyang nagsidaan at parang mga langgam iba na hindi na namasada dahil sa ulan.

We didn’t take it anymore kaya naman si ermat nagtranform na into Volta but i stopped her. At sabi ko;..

” Ma, wag kang mag Volta. Umuulan kaya baka lahat kami makuryente..”

Kaya iyon hindi na tinuloy ni ermat ang evolution at naglakad nalang kami para makakita ng magandang lugar na may masakyan.

Sa paglalakad, hindi namin namalayan na malayo layo na ang napuntahan namin. Halos kapareho kung naglakad ka mula baguio hanggang manila. Gosh! Walking under storm pa ang ginawa namin kaya naman dapat kami bigyan ng mama ko ng award.

Anyways, after 10 kilometers na pagbaybay namin nakasakay narin kami ng jeep. Ang maganda pa ang balak naming puntahan ay malapit na rin at sandali lang kami naupo sa jeep at baba agad. How fortunate naman diba.

After ng ilang pamamasayal kasama ang bagyo nag decide na kami at last na umuwi. Sa pag-uwi namin kapansin pansin ang trapik at as usual wala kaming nakitang sasakyan dahil ang ibang sasakyan ay nagtago.

Mga isa’t kalahating oras kaming naghintay ng sasakyang uugod ugod para walang sumakay na iba bago kami nakasakay ng jeep. Sa daan pabalik sa bahay namin kapansin pansin ang trapik na sanhi pala ng dagat este BAHA na sanhi rin ng pag hinto ng sasakyan namin. SHIT! ilang oras din kaming na stranded sa bahang iyon. Mabuti nalang at may mga lalaking nagpakasarap sa ulan at pinagtulungang itinulak ang sasakyang uugod ugod nga.

Kung andun lang kayo sa pangyayaring iyon mas nanaisin nyo nalang ang lumangoy sa baha kaysa maghintay na may tutulak sa sasakyan nyo. Pero hindi ako lumangoy noh. Wala kasi akong oxygen dala baka ma suffocate ako.

———————————————————-

Iyon ang mga pangyayari sa kabuuang araw ng kaarawan ko. Handa? wala akong handa inintay ko kayong pumunta sa bahay ko dala ang regalong pagkain nyo kaya lang walang dumating, as expected. Pero ayos lang dahil marami rami rin naman ang bumati sa akin at ako’y nagpapasalamat sa mga taong nakaalala sa kaarawan ko. Muli Maraming Salamat!

preload preload preload