Sabay sa pagdiriwang ko ng ika unang anibersaryo ng aking munting blog, nagbago rin ang imahe nito. Hindi naman siya halata diba? at ito ay lubos kong ipinagpapasalamat sa Tita Beng ko upang tulungan akong pagandahin ang aking SOY REPUBLIC. Pero kasunod nito ay ang pangyayaring unti-unting pagkawasak ng sofware side ng laptop ko.
Ilang araw na ang nakalipas ng tumiwalag ako sa licensyadong OS at nagpalit ng pirated. Ang dahilan: ng dahil sa isang software na nainstall ko at nabaliw na ang lahat. Wala na akung choice. Ngayon nagsusumikap nalang akong gamitin ito.
Nakailang beses ko na ring na reformat at nakailang beses narin akong pabalik-balik ng pag install ng mga drivers nito pati mga applications. Walang katupusan at kamatayang pag iinstall. Mula sa antivirus na updated at licensed ko noon ay naging crack nalang.
Ako, uu ako at wala nang iba, ay hindi gaanong magaling sa pagtotroubleshoot ng mga kumplekadong problema sa laptop. Ang makakaya ko lang ay yung basic at some troubleshooting techniques. Wala akong magawa kundi ang makisawsaw sa mga furoms at magtanong-ng-magtanong.
Malaking problema ko nga ang antivirus ko na malaki ang sira ng ulo. Hindi ko alam kung kelan pa nagka-ulo ang anti-virus software basta un yung pananaw ko.
Madami mang problema ang aking kinakaharap dito sa laptop ko i’m still hoping na in the end magiging sony vaio na ito ( libre lang po ang mangarap ).
Flipping: Sino nakapanood na ng CCoBB (Curios Case of Benjamin Button). Kung ikaw wala pa, sa susunod ishshare ko ang karanasan ko sa panononood nito at kung nakapanood ka naman bisita ka parin dahil mas exciting ito!
This is just a quick post to update my self. I guess i already lost soo many visitors because of my absences in blogging but i’ll promise to catch up as soon as THIS SEMESTER end. It’s right, its all because of the soon to end semester the reason why i get busy. I am currently working for a system and another system for my another major subject. It will kill me in the long run but still striving hard.
Hey, i would to thanks those who keep up visiting my blog (as if there are)
The Month of February is here. Bakit ko binanggit ito? Simply because nakatatak na sa ating isipan ang ibig sabihin ng naturang buwan. Kaugnay nito ang mga salitang pag-ibig, relasyon, syota, babe, beh, honey, sweetheart, puso (puso ng baka, baboy, ahas at saging), uyab, love, sweety at marami pang eklavu na ginagamit na tawagan ng mga langyang lovers.
Siguro karamihan sa inyo ay taken na or unavailable kaya tiyak na magiging masaya valentines day niyo. Pero paano naman yung mga walang bibot na kayakap at kahalikan ngayong darating na araw ng mga puso? Kelangan ba talaga nito para ma feel mo na nakikiisa ka sa kasiyahan?
It may sounds unbelievable but yours truly ay certified single pa. To be more specific, bago lang ako naging single ulit pagkatapos ng isang araw pero napakagulong relasyon. Hindi na bago sa akin ang mga eksenang ganun dahil sanay na ako. I’ve got 6 puppy gf way back in my high school days. Apat doon ang hindi seryoso at nagbabahay-bahayan lang samantalang 2 ang iniyakan ko at niluhuran ng asin. At hindi rin sa pagmamayabang pero yung 4 na binanggit ko ay ako mismo ang nakipag hiwalay sa kanila. Iniisip ko nga na baka karma nun ang dalawang magkasunod na iniyakan ko.
I could still remember my moments when i used to accompany my girlfriend (isa sa 4 na ex’s ko.:p) all the way up to their home just to secure she’s safe. I think its typical for everyone na makaramdam ng ganung excitement pag baguhan sa pag-ibig. Yung tipong hindi napapagod samahan at ihatid ang mahal mo kahit na cubao hanggang baguio pa ang iyong lalakarin. Pero all of a sudden mawawala nalang iyon ng bigla. Depende rin kong ano ang itinadhana. Maaring siya ang una at pinakahuli mong mamahalin. Posible rin namang mabuntis mo siya kahit hindi kapa tuli tapos saka mo pa nalaman na hindi pala siya ang gusto mong mapangasawa (matapos mo siyang i-divirginize).
I ‘m glad. I ‘m contented. Nakatapos ako ng high school ng walang nabuntis at still certified virgin.
Hindi nalang siguro ako maghuhunting ngayon ng mamahalin. Masakit at sariwa pa yung kasalanang aking nagawa. Kasalanang ginawa ko sa kaibigang minsang minahal ako ng totoo pero wala akong ginawa kundi ang saktan siya. Gusto ko munang maging single at ayoko kong makasakit pa nang ibang damdamin. I believe that every woman deserves to be loved and don’t let them draw out even one teardrop pero kung sa kama ang eksena ok lang kahit humagolgol pa siya.
This valentine, i wish all heart broken organism will be able to move on and let time mend their shit and bloody heart, the same thing i will to do to myself.
“When you are in Love you can’t fall asleep because reality is better than your dreams.”
Ilang araw ang nagdaan, wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng movies (maliban sa pag-aaral xempre). Kaya nga rin hindi na ako nakapagsulat dahil hanggang ngayon banggag parin ako sa panonood.
Sadya naman talagang marami nang mga astig na mga palabas ngayon. Nabanggit ko sa last post ko na hindi ako gaanong nanonood ng pelikulang pilipino (alam niyo na ang dahilan, kung hindi pa tignan niyo ang 8 Things to become Dansoy na post ko). Kaya for the entire movie trip puro hollywood movies ang pinanood ko.
Maaring lahat na pinanood ko ay napanood niyo na rin pero kahit na gusto ko parin i-share ang mga moments ko sa pinanood kong mga movies.
Spiderwick
Iba talaga ang mga pelikulang tungkol sa alluring world of fictions and sciences. Ang pelikulang ito ni Freddie Highmore ang dahilan ng aking pagka movie shock. Kung hindi niyo pa ito napanood, pwes panoorin niyo para hindi kayo kunin ng palakang kampon ng kadiliman at baboy na may apat na butas ang ilong.
City of Ember
Ang lugar na ito ay hindi tulad ng iniisip natin na nasa gitna ng apoy o mismong nasa apoy. Ang mga tao sa lugar an ito ay hindi pa nakakalanghap ng tunay na sarap ng liwanag mula sa araw dahil generated lamang ang ilaw na kanilang nakikita. In short, ang city na ito ay tago at nasa kailalilam ng lupa matatagpuan. Pero naman forever dahil ang mga bidang teenager ay tinuklas ang sekreto ng city of ember.
Final Destination
Gusto niyo bang malaman ang final destination ng buhay mo? Siguro may pattern yan Thrilling at the same time nightmare ang movie na ito dahil pagkatapos mong panoorin mag iisip ka talaga kung ikaw na ba ang susunod.
Bedtime Stories
How i wish that all our dreams and stories will come into reality. Isa ang bedstories sa gushto ko dahil batya pa po ako. Wala na akong ibang masasabi movie na ito kundi magaling, talagang napakagaling.
Yung ibang pinanood ko ay censored na kaya hindi na pwedeng ipost. Looking forward ako ulit sa mga bagong movies na dinadownload ko lamang sa torrent. Kayo anong trip niyong movie?
Siguro masasabi kong matagal-tagal na rin akong nagbloblog dito sa mundo ng cyberspace. May mga nabingwit na din akong mga mambabasa o kaibigan na nagpapalakas sa akin ng loob upang magsulat at mag update. Marami na rin akong nababasang blogs na sumasalamin sa hubad nilang pagkatao. Ngayon, nais ko ring hubarin ang saplot ng blog na ito. Upang makilala niyo ako ng lubasan siguro mas mabuti kong malaman niyo ang ugali at katauhan ng artistang nasa likod ni DANSOY. Minarapat kong ilagay ang 8 bagay na talagang samasalim sa katauhan ko.
8. Reading between the Lines. Denotation meaning ang ibig kung tingnan niyo sa pang-walo. Literally, mahilig akong magbasa ng iba’t ibang klase ng libro, Educational Books, Novel, Bible (pa angel kunwari), Sex Text Books, atbp. Pag walang magawa at nababagot mag surf, nagbabasa nalang ako para paglaruan ang aking imahinasyon. Actually, sa future gusto kong gumawa ng novel na may bidang vampire ang lalaki at ordinary lang yung babae na nagkagustuhan sa isa’t isa. Ang title? Pag-iisip ko muna pero mas maganda siguro kong twitwitwi……ahh basta pag-isipan ko muna at baka manakaw ng iba ang intellectual property ko. Ngayon palang ramdam ko na magiging successful ito kong sakaling ma-ipublish.
7. Nagsusunog ng Kilay at dila. Hindi naman sa pagmamayabang at maging sa sarili ko hindi ko alam kong likas naba ito. Mula nung kindergarten hanggang elementary ay average lamang ang akademik perpormans ko. Hindi pinapansin ng mga guro at parating iniitsapwera ng mga MATATALINO. Nag iba ang lahat ng tumuntong ako ng hay skul. Biglaan ang pag labas ng aking IQ na tila nabutas at umuugos. Biglaan dahil naging biglaan din ang pagtaas ng akademik perpormans ko. Mula sa wala ay umakyat at naging TOP 1 ( 2nd year unang nagsimula onwards ). Mula noon pasaway na ang dila ko at tila first blood kong magsalita. Napansin ko rin na iba pag kilala ka bilang matalino dahil nagiging pokus ang atensyon sa iyo ng mga guro. Dumidikit ang mga lintang galing putik at higit sa lahat napakalaking pagbabago ang pagkatuto kong maging ENVY sa tuwing nalalamangan ang score ko. Isa akong malaking lampang matalino.
6. Dobol Kill. Kung sino man ang mahilig maglaro sa inyo ng local/online games ay alam na ang ibig ipahiwatig ng kataga sa pang-anim. Nagsimula lang akong magka-interest maglaro ng mga computer games nung tumuntong ako ng kolehiyo. Una kong nasulyapan ang larong Ragnarok. Hindi ako nagtagal at nag shift ako ng FLYFF. Na enjoy ko rin naman ang larong ito pero mas na-enjoy ko ang RAN ONLINE GAME na inadikan ko ng lubos. Halos ginawa kong tahanan ang internet cafe noon na naglalaro buong magdamag. Kasabay rin nito ang pagkilala ko sa larong DotA na noon ay hindi ko pinapansin. Hindi pa ako gaanong marunong pero minsan nakaka-dobol kill o Godlike kill naman ako ( Kung AI Insane ang Kalaban. ).
5. Magbiro ako sa’yo Wag mo lang akong biruin. Para maintindihan ng taga ibang bansa ang naka sulat sa pang-lima, the english translation of it is “I Joke you but don’t joke me”. Hindi naman minsan pero madalang lang naman akong magbiro. Yung birong alam kong hindi nakakasakit ng damdamin ( pero minsan mukhang natatamaan ko ata ). Palatawa daw ako sa mga taong handang tumawa sa mga korni kong pagpapatawa. Ang kaibahan lang ay ayaw kong ako ang pinagtatawanan. Siyempre lahat naman ata ng tao ayaw pagtawanan pero other meaning ko nito ay maikli ang pasyensya ko. Manipis lang ang balat ko sa pwet kaya madali akong magtampo. Kaya kong may magsabi sa inyo ng “I joke you but don’t joke me” alam niyo na kung anong gagawin.
4. Kagibunshin Nu Jutsu. Sino ba sa inyo ang hindi kilala ang teknik na ito ng isang sikat na ninja galing konoha na si NARUTO? Alam kong isa lamang ako sa bilyon-bilyong fans ng top rated anime na ito. Bilang isang adik lulong ako sa information ng mga iba’t ibang teknik na ginagamit ng mga ninja. Bangag akong makapanood ng free funsub video ng naruto sa tailedfox na ginagawa ko nang weekend commitment. Hindi lang naman naruto na anime ang kinahihiligan ko kaya lang ito ang nag excel sa lahat. Bida rin sa akin ang Pokemon, Detective Conan, Flame of Recca, Ghost Fighter, Dragon Ball, Sailormoon, Totally Spies, Powerpuff girls, Cardcapture Sakura, abah nababaklitch na ata akitch.
3. “Your Scent is like a Drug to Me”. Kataga ito ng isang sikat na movie ngayon. Ang twilight ay isa lamang sa mga movies na talagang tumatak sa akin. Inaamin ko na mahilig akong manood ng iba’t ibang premera klase na mga pelikula. Sa mga taong kagaya ko, mas prefer kong panoorin ang mga hollywood movies/ foreign movies kaysa sa mga gawa ng pinoy. Hindi ko sinabi na pangit ang gawa natin pero nagkataon lang na ganito ako. Minsan nga nanonood ako ng pelikulang pinoy pero dapat Star Cinema lang dahil CKD( Certified Kapamilyang Dabawenyo) ako. Ayokong mag aksaya ng pera kaya hindi ako bumubili ng mga original copy, nagdodownload lang ako sa internet kaya nga lang magasto sa oras pero payts na basta may kopya lang.
2. Social Climber. Hindi ko na ata kelangan pang i-elaborate ang salitang nakalimbag sa pangalawa. Simpleng social climber lang ako at hindi yung extreme na sawsaw sa lipunan. Bakit ko ba nasabi na social cllimber ako? Ewan ko kung tama ba na matanyagan ako bilang social climber basta ang pagkaka-alam ko gusto ko ng mga bagay na meron ngayon ang mga mayayaman. Yung tipong maginhawa ang buhay, may aircon sa bahay, may kotse sa gilid at nag-aaral sa paaralang hindi mo na kelangan pang maglakad ng ilang kilometro mula sa gate patungo sa room. Easy lifestyle is what i want. Pero mas maigi na ata ang buhay meron ako ngayon dahil mas masarap pag naghihirap (iba rin yung mas masarap pag masakit ).
1. Mas masaya pag nag-iisa. Kung ka vibes kita alam mo na yan. Sa panahon ngayon marami ang mga kabataang nag susuot ng skinny jeans, lalaki o babae. Naka slant na bangs, lalaki man o babae. May eyeliner sa mata, lalaki man o babae. Sikat sila sa banyag na EMO. Naisali ko ito hindi dahil sa EMO rin ako physically pero deeply uu. Sabi nila karakter ng pagiging emo ay mahilig mag isa. Malungkot at palaging mababaw ang tingin sa sarili. Minsan ganyan ako. Minsan ang mag-isa ay masaya. Minsan kelangan nating magdamdam. Minsan kelangan nating umiyak. Emo ako hindi sa panlabas kundi sa loob ng brief panloob na katauhan.
Sa walong bagay na nabahagi ko sana naman nakabuo na kayo ng isang imaheng maaring ako. Kung physical ang pag-uusapan tignan niyo nalang si Sam Milby at tiyak malalaman niyo kung ano ang texture ng aking mukha, kamay, dibdib at iba pang bahagi ng aking maselang katawan. Para sa ibang detalye, mas masaya kung subaybayan niyo ang blog ko para kayo mismo ang makadiskubre ng totoong pagkatao ng langyang si Dansoy.
Upang maging lalong emotional ang pagwawakas ng pagbabasa ninyo nais kong ibahagi ang kantang ito na swak sa topic ngayon, irelate nyo kung pano naging swak. Promise its a great song!
Paano mo ba mailalarawan ang nakaraang taon mo? Happy dahil that year ka nagkaroon ng kotse? or sad dahil yun ang year na nagbreak kayo ng love mo? Fair lang ba dahil may masakit na nangyari at sayang naidulot? O memorable dahil natikman mo na ang ikapitong gloria?
Sadya naman talagang napakabilis umikot ng mundo. Napakabilis ding magbago ng lahat ng bagay. Nadagdagan kunti ang kaalaman at tumangkad ako ng kunti.
Noong nakaraang taon ang taong masasabi kong siwurte ako. Kahit ayoko kong sabihin ang salitang “siwerte” dahil baka mahiya sa akin at hindi na magpakita ngayon 2009 pero yun ang na fil ko. Naging maganda ang mga marka ko sa paaralan kasabay ng pagdami ng marka sa upuan at lamesa ng aming silid paaralan. Dumami ang mga kaibigan ko kaya naman palagi akong busog kahit walang pera. Nagkaroon ako ng part-time job. Dahil dito nagkaroon ako ng pagkakataong makabili ng mga bagay na gusto/needs ko. Ilang dekada na kasi ang inabot ng pantalon ko kaya nararapat lamang na bilhan ko na ito ng kapalit. Baka sabihin pa nito na inaabuso ko na siya. Nakatulong din ako sa bahay namin dahil kahit papaano may na-iambag ako sa pagpapaggawa ng dobol dek na hihigaan namin. Proud ako dun! Thank you, thank you! Tapos ang pahabol na surpresa sa akin last year ay ang lappie ko. Sa totohanan lang, hindi ko talaga inaaakalang aabot pa sa punto ng 2008 na magkaroon ako ng lappie. Dream ko lang ito noon na tinitingnan sa mga mol o ibang computer stands. Ngayon abot kamay ko na.
Hindi lang naman mga material na bagay ang napulot ko. Natutunan ko na din kung paano mapagod galing trabaho. Kung gaano kasakit ang magbayad ng mga utang mula sa dugo at pawis na pinagtrabahuan mo. Lastly, natutunan ko , at patuloy na natuto, ang pagiging independent. Mula sa batang tutulo ang sipon at pinapahiran ni inday ng tuwalya hanggang matuto akong magpahid ng sariling sipon at sa kahit alin pang parte ng katawan kong tumutulo (lalo na pag nag iinit ang katawan ko).
Sa taong ito, 2009, alam ko na inihanda ako ng tadhana (kasama si Panda) para maging Dragon warrior madiskubre ang sariling kakayahan. Marami ang pumapasok sa utak ko. Ganun din sa aking ilong, tenga at singit na mga dumi. Siguro dahil hindi pa ako naliligo ngayong 2009. Nangangambang baka kabaliktaran ng taong 2008 ang mangyayari sa akin ngayong 2009. Natatakot na baka this year na ako makahinto ng pag-aaral. Nalulungkot na baka wala parin akong makitang pag-ibig. Sasabog na ata ang ako sa kaka-isip ng aking kapalaran ngayong 2009.
Pero, pero kahit na magiging baliw man tayo o isang araw nating iisipin o magdamag tayong mag rosaryo o isang araw tayong manood ng porn para kunwari makalimutan , wala namang silbi ang lahat. Wala naman tayong magagawa. Kung ano ang itinadhana iyon ang mangyayari. Si Julio at Julia lang kambal ng tadhana. Siguro ang magagawa nalang natin ay ang maghintay. Iyon naman ang ginagawa natin dati pa dahil sa mundo ito where everything is uncertain, we can’t expect certainty.
Sadyang kay bilis ng panahon. Dahil sa pagiging busy natin araw-araw ay hindi natin namalayan na christmas na pala. Uu, aaminin ko sa inyo na hindi ko talaga naramdaman ang pagdating ng pasko. Kung hindi dahil sa tita ko na nagbigay ng laptop sa akin ay hindi ako mamumulat at malamang may selebrasyong sasapit.
Ang christmas para sa akin ay dapat lang na ipagdiwang ng masaya at malungkot. Masaya dahil nagagawa ng paskong buuin ang miyembro ng pamilya. Kahit saan mang lupalup ng mundo, napagkaka-isa ng pasko ang bawat puso ng tao. Malungkot dahil walang choice ang mga kuripot na maga nilalang kundi gawin ang pinka-enemy nila-ang gumastos ng malaki. Kala niyo ha.
Basta christmas ang pag uusapan hindi naman talaga maiiwasan ang magpakapal ng mukha at habulin ang mga ninang at ninong para singilin ang regalong ilang pasko ng nagdaan ay hindi parin naibigay. Kahit ako meron ding mga gusto. Kaya nais kong i-share sa inyo ang top 5 na pede niyong pagpiliang ibigay sa akin ngayong pasko. May bukas pa kayo para bumali. I’ll accept late gifts.
Nokia N97 Cellphone
Isang napaka-irresistable material sa buong mundo. Mayroon akong cp pero hindi gaanong maganda at nagloloko na. Sinyales na ata ang kanyang pagloloko na kelangang palitan ko na ito.
Sony Playstation Portable
Mahilig akong maglaro ng Gameboy. Pero sa kasamaang palad ay natigil ito dala ng pagkakasangla ng aking pinakakamahal na gameboy. Kahit ilang dekada na akong hindi nakakalaro nito, nafifil ko parin ang passion at lust sa gameboy. Psp ang nilagay ko dahil ito ang upgraded version ng gameboy. Kung gameboy ang bibilhin niyo ok lang pero kung magpupulit kayo na regaluhan ako ng sony Psp ok lang din.
Laptop Cooler
Dahil napaka-init ng Pilipinas at nakalimutang bilhan ng tita ko ng cooler ang aking lappie , sa palagay ko mapapasaya niyo ako sa cooler. Almost lahat ng laptop ay may 80% tiyansang masisira kung walang cooler ( at/or kung walang air con ang kuwarto ).Piliin niyo nalang toh, mura lang yan.
Condominium
Gusto ko lang kasing manirahan ng mag-isa. Yung tipong independent at the same time relaxing. Ako na ang nag hanap, bayaran niyo nalang.
MacBook
Hindi naman sa ayaw ko ng kung ano man meron ako ngayon pero iba lang kasi pag mas astig yung laptop mo diba. Lalo na kung matibay at high quality ito. Expensive pero sulit pag ni-regalo. (salamat sa ever dearest tita and her family ko na nagbigay ng laptop sa akin. Salamat ng marami .)
Ngayong nakita niyo na sila sana naman nakapili na kayo. By the way kung sino man ang mag bibigay may card ako sa inyo bilang appreciation sa regalo niyo.
Aside from those wishes, hiling ko din na magkabati na ang ABS-CBN at GMA, Aministrasyon at Oposisyon, Paquiao at Dela Hoya, Marian at Karylle, Tom at Jerry at marami pang mga nag aaway. Naway tigilan na natin ang away at tayo’s magka-unawaan at magkapatawaran (Iboto niyo ako sa susunod na halalan). Isantabi ang mga poot at galit at hinanagpis at mga baho para mabigyang daan natin ang pasko. Muli, ako’y bumabati ng
Ilang araw na ang nakalipas simula ng ibinigay ang laptop ko na bonggang bongga. Wala akong ibang maisip gawin pag freetime kundi ang magbabad sa internet at gumawa ng kung anu-ano. Totoo ngang walang katapusan ang paglilibot mo sa mundo ng web. Maarami kang magagawa at marami kang mga bagay na matutunan. Ika nga, handog ng internet ang “online learning“.
Dahil bago lang ako hindi ko maiiwasang gumala ng gala kahit saan sa web. Tila wala akong paki-alam at parang surfing ang ginagawa dahil walang kinatatakotan sa kung ano mang mahagilap na panganib.
Ang susunod na nangyari ay ang iniisip ninyo. May makapal na mukha na virus na nakapasok sa cool laptop ko. Paano? nagdownload lang naman ako ng akala kong true downloader site. Siyempre, techy ako kaya may pancking na nangyari. Tumataas at bumababa ang blood pressure ko. Akalain mo bang nakikipaglaro sa akin ng hide and seek ang langyang virus na yun. Hindi naman sa bago ko palang siya nakilala. Actually, kalat na ang baho ng virus na yun sa skul namin. Lahat ata ng flash disk namin ay nahawaan na. Pero wala lang akong paki alam at that time dahil computer lang naman ng skul namin ang masisira at yung flash drive ko ay hindi ko naman ginagamit o pinapasok sa computer ko. Ngayon ay iba na, todo na talaga dahil sarili ko na tong computer ang nadamay. Tapos kakabigay pa naman. Kaya ganun ka taas pressure ko.
Fortunately, nag chat kami ng tita ko abroad. Pero hindi dahil sa tita ko kung bakit nabawasan ang risk ng virus kundi sa asawa niyang amerikano at engineer pa ( Kung mapadaan ka man uncle, salamat sa laptop, in english if you dropped by here uncle, i would like to say thank you for the laptop ). Naks may english pa. Anyways, dahil na mental black ako at that time ay nagpatulong nalang ako sa kanya. Hindi naman ako nabigo dahil binigyan niya ako ng site na maaari akong maka download ng isang software na nag ooffer ng free use of service ng computer scanning. Sinubukan ko ng walang pag-iimbot.
Matapos ng ilang minutong pagdadasal habang hinihintay ang complete scanning ay na detect niya ang virus at sabay pindot ko ng “REMOVE ALL”.
Laki ng pasasalamat ko sa sponsors Uncle ko. At least natuto na ako at pag iigihan ko pa ang pag dodownload para hindi masayang ang effort ng pagpatay sa virus. Kung ginawa mo na, itutuloy mo na lang.
BTW(By The Way) Portion:
Nag-iisa lang ako sa bahay ngayon dahil ang lahat ng tao dito (Except sa akin) ay pumunta sa bahay ng tita ko(ibang tita ko) at nagsagawa ng early christmas party. Sa kasamaang palad ay naiwan ako bilang taga-bantay ng bahay kasama ang mga aso’t pusa nga walang ginawa kundi ang magkalat xit sa paligid.
Ang blog na ito ay ginawa para gawing libangan ng isang batang walang magawa at dahil wala siyang kausap na matinong tao dito nalang niya inilalabas ang lahat ng kanyang galit, poot, hinanankit, selos, tuwa, ligaya, lungkot, pag-ibig, sakit, urge, at iba pang emosyonal at fisikal na pangyayari sa ating katawan.