Dansoy
Ako si Dan na mas kilala at sikat sa palayaw na Dansoy na siyang pangalang ginamit ko sa blog ko. Kasalanan ito ni inday (ermat ko) ko kung bakit isinilang ang pangalang halos dugtungan mo nalang ng salitang “inum tuba laloy” at makabuo kana ng kantang sisikat sa kabisayaan. Nakatira rin kasi ako sa liblib na lugar ng Mindanao (bisaya ko mga indong ug inday) at kasalukayang nag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao para isulong ang karapatan kung mabinyagang Bachelor of Science in Information Technology. Kalog pag kasama ang mga kaibigan, torpe pag kasama ang mga crushes, matalino pag kasama ang mga guro, makulit pag kasama ang pamilya pero kahit makulit mang turingan pag dating sa kapakanan nila nagiging emo ako. Kung anong magugustuhan kung gawin ginagawa ko agad-agad, sayang ang oras. Kaya ko gawin ang lahat makuha lang gusto ko. Insparation makes me to be a motivated person. Mawala na lahat wag lang ang mga inspiration ko. SL (Slow Learner) pag kausap, FL( Fast Learner) naman pag sa klase, iyon ang sabi nila. Amiable daw ako. Hindi ko naman ipnagtataka dahil marami akong mga kaibigan. Usually moody. Nagbubuga nag lava minsan pag sinsaniban ng mga problema at nagiging tuta naman pag happy. Adik sa online game (noon) kaya palaging nagtitipid ng baon pag laro. Pero da best ako sa panonod ng pornotube esti erase yun youtube pala. Kaya hindi nakakagulat na napadpad ako sa mundo ng blogging.
Bago pa lang ako sa industriyang. Unsang subok ko pa lang sa pag bloblog feel ko agad na okey palang hobby ito. Ang Gemini is Undecided ay pinaka unang serious blog na ginawa ko. Fortunately, may Fairy Godmother akong tinatawag na tumulong sa akin. Isa sa tulong niya ang pagbigay sa akin ng subdomain na ito. Siya ang tita fe ko na bihasa na sa pagbloblog at master sa graphic designing. Kaya malaki ang utang na loob ko sa tita poorsya kung iyon. Dahil sa kanya naging masaya lalo ang pagbloblog ko.
Sana sapat na ito para malaman niyo kung ano ako at hindi unngoy na nagbloblog lamang. Sana rin masiyahan ka sa pag babasa ng mga adbenture ng buhay ko na kahit nonsense ay relevant naman.LOL.Enjoy life as how children enjoy eating their chocolates.




