Medyo napadagal ata ang pagpahinga ko. Madali lang kasi ang panahon at masyadong mapaglaro ang oras. Tapos na ang isang semester ng impyerno. Pero ngayon ay pumapasok parin ako sa campus dahil sa aming kors may summer talagang dapat pag aralan. Walang baka-bakasyon. Patayan na kung patayan. Mag drop-out na ang mag drop-out. Hindi ko alam kung makatarungan ba o hindi ang mag lagay ng subjects sa panahong dapat tayo ay nasa beach. Basta kung ito ang daan para makapag tapos ng maaga wala akong magagawa kundi ito ay sundin na parang batas ni arroyo.
Hindi about sa summer class ang gusto kong ishare sa inyo ngaun sa pagbabalik ko. Medyo matagal-tagal na rin akong nagbloblog. Isang kapat nun ay blogging at tatlong kapat nun ay hiatus. Sa hinahaba ng post malapit na akong mag iisang taon. Balak ko sanang mag lagay ng porn clip sa kaarawan ng blog ko pero naisip ko bad yun. At baka ma dungisan pa ang malinis na theme kung blog. Balak ko nalang na magiba ng theme at pagandahin muli ang bahay ko sa internet.
Paran kahapon lang ng nagsimula akong magblog. Nagtatandaan ko na ultra-mega-super excited ako nuon nung unang subok ko sa pagbloblog. Halos araw-araw akong naglalagay ng entry at araw-araw nangangalap ng bisita. Kasing sarap ng leche plan ang eksperience kung iyon. Ngayon, madalang nalang at unti-unting iniiwan ng ma bisita. Isa lang ang rason kung bakit ako nagbloblog. Ito ay dahil gusto kong may kausap. May nakikinig ng kwento ko at may dumadamay sa akin. Kaya na gusto kong icelebrate kaarawan nito dahil naalala ko ang ko ang mga iyon.
Sana makita ko ulit kayo sa araw ng kapanganakan ng aking blog. May attendance! Ok lang kahit kunti basta meron lang dumating. Imbitado lahat ng mga unang nakikilala kung blogista (sabrina kasali ka dun
, Aling baby, eji, rio, atbp… )
