Jan 31

Ilang araw ang nagdaan, wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng movies (maliban sa pag-aaral xempre). Kaya nga rin hindi na ako nakapagsulat dahil hanggang ngayon banggag parin ako sa panonood.

Sadya naman talagang marami nang mga astig na mga palabas ngayon. Nabanggit ko sa last post ko na hindi ako gaanong nanonood ng pelikulang pilipino (alam niyo na ang dahilan, kung hindi pa tignan niyo ang 8 Things to become Dansoy na post ko). Kaya for the entire movie trip puro hollywood movies ang pinanood ko.

Maaring lahat na pinanood ko ay napanood niyo na rin pero kahit na gusto ko parin i-share ang mga moments ko sa pinanood kong mga movies.

Spiderwick

Iba talaga ang mga pelikulang tungkol sa alluring world of fictions and sciences. Ang pelikulang ito ni Freddie Highmore ang dahilan ng aking pagka movie shock. Kung hindi niyo pa ito napanood, pwes panoorin niyo para hindi kayo kunin ng palakang kampon ng kadiliman at baboy na may apat na butas ang ilong.

City of Ember

Ang lugar na ito ay hindi tulad ng iniisip natin na nasa gitna ng apoy o mismong nasa apoy. Ang mga tao sa lugar an ito ay hindi pa nakakalanghap ng tunay na sarap ng liwanag mula sa araw dahil generated lamang ang ilaw na kanilang nakikita. In short, ang city na ito ay tago at nasa kailalilam ng lupa matatagpuan. Pero naman forever dahil ang mga bidang teenager ay tinuklas ang sekreto ng city of ember.

Final Destination

Gusto niyo bang malaman ang final destination ng buhay mo? Siguro may pattern yan :) Thrilling at the same time nightmare ang movie na ito dahil pagkatapos mong panoorin mag iisip ka talaga kung ikaw na ba ang susunod.

Bedtime Stories

How i wish that all our dreams and stories will come into reality. Isa ang bedstories sa gushto ko dahil batya pa po ako. Wala na akong ibang masasabi movie na ito kundi magaling, talagang napakagaling.

Yung ibang pinanood ko ay censored na kaya hindi na pwedeng ipost. Looking forward ako ulit sa mga bagong movies na dinadownload ko lamang sa torrent. Kayo anong trip niyong movie?

8 Responses to “You better watch out!”

  1. vanvan says:

    naku dan, wala akong nakita sa lahat ng movies na sinabi mo..hahaha..kasi kung may bagay man na gahol ako ngayon, yun ang oras..hahayZ..

    AMPING..

  2. Earvin says:

    Hindi na rin ako masyadong nakakapanuod ng movies ngayon. Last movie I watched was Almost Love (Korean).

  3. Dansoy says:

    @vanvan – Take time for your leisure activities van and watching movies is the great one.

    @earvin – Maganda ba ang almost love? Hilig ko ding manood ng mga korean movies, esp. mga romatic type, galing kasi nilang gumawa.

  4. brotherutoy says:

    yup, gusto ko rin ang Spiderwick Chronicles!
    basta mga tungkol sa mga maligno sa bakuran, aliw na aliw ako. hehe…

    pero Dan, di ko talaga kaya ang Final Destination. basta mga pelikula tungkol sa senseless deaths, napapawalk-out ako. mahina ang puso ng kuya Utoy mo eh.

    mukhang gusto ko yung City of Embers ah. basta ba hindi ito horror ha. GOd bless!

  5. Dansoy says:

    @Kuya Utoy – Hahaha. Garatisadong hindi horror movie ang City of Ember. Medyo tumaas ang heartbeat ko saglit ng sabihin mong takot ka sa mga death type na movie kala ko kasi you totally know about death na and the real reason why everybody held for death.

  6. jay says:

    haha ako rin puro movies! try mo mag subscribe kay AXXO sa mininova.org

    haha ayos sa to ah! eto ok rin share ko lang, nakita niyo na ung creepy backmask ng red mobile tvc? check niyo to…

    http://www.youtube.com/watch?v=2oUUj1hLB2k

  7. Dansoy says:

    @Jay – Subsciber ako ni Axxo. Quality movies ang niririp nun.

  8. Nice blog, may I know what comment spam thing do you use?

Leave a Reply

preload preload preload