Jan 02

Paano mo ba mailalarawan ang nakaraang taon mo? Happy dahil that year ka nagkaroon ng kotse? or sad dahil yun ang year na nagbreak kayo ng love mo? Fair lang ba dahil may masakit na nangyari at sayang naidulot? O memorable dahil natikman mo na ang ikapitong gloria?

Sadya naman talagang napakabilis umikot ng mundo. Napakabilis ding magbago ng lahat ng bagay. Nadagdagan kunti ang kaalaman at tumangkad ako ng kunti.

Noong nakaraang taon ang taong masasabi kong siwurte ako. Kahit ayoko kong sabihin ang salitang “siwerte” dahil baka mahiya sa akin at hindi na magpakita ngayon 2009 pero yun ang na fil ko. Naging maganda ang mga marka ko sa paaralan kasabay ng pagdami ng marka sa upuan at lamesa ng aming silid paaralan. Dumami ang mga kaibigan ko kaya naman palagi akong busog kahit walang pera. Nagkaroon ako ng part-time job. Dahil dito nagkaroon ako ng pagkakataong makabili ng mga bagay na gusto/needs ko. Ilang dekada na kasi ang inabot ng pantalon ko kaya nararapat lamang na bilhan ko na ito ng kapalit. Baka sabihin pa nito na inaabuso ko na siya. Nakatulong din ako sa bahay namin dahil kahit papaano may na-iambag ako sa pagpapaggawa ng dobol dek na hihigaan namin. Proud ako dun! Thank you, thank you! Tapos ang pahabol na surpresa sa akin last year ay ang lappie ko. Sa totohanan lang, hindi ko talaga inaaakalang aabot pa sa punto ng 2008 na magkaroon ako ng lappie. Dream ko lang ito noon na tinitingnan sa mga mol o ibang computer stands. Ngayon abot kamay ko na.

Hindi lang naman mga material na bagay ang napulot ko. Natutunan ko na din kung paano mapagod galing trabaho. Kung gaano kasakit ang magbayad ng mga utang mula sa dugo at pawis na pinagtrabahuan mo. Lastly, natutunan ko , at patuloy na natuto, ang pagiging independent. Mula sa batang tutulo ang sipon at pinapahiran ni inday ng tuwalya hanggang matuto akong magpahid ng sariling sipon at sa kahit alin pang parte ng katawan kong tumutulo (lalo na pag nag iinit ang katawan ko).

Sa taong ito, 2009, alam ko na inihanda ako ng tadhana (kasama si Panda) para maging Dragon warrior madiskubre ang sariling kakayahan. Marami ang pumapasok sa utak ko. Ganun din sa aking ilong, tenga at singit na mga dumi. Siguro dahil hindi pa ako naliligo ngayong 2009. Nangangambang baka kabaliktaran ng taong 2008 ang mangyayari sa akin ngayong 2009. Natatakot na baka this year na ako makahinto ng pag-aaral. Nalulungkot na baka wala parin akong makitang pag-ibig. Sasabog na ata ang ako sa kaka-isip ng aking kapalaran ngayong 2009.

Pero, pero kahit na magiging baliw man tayo o isang araw nating iisipin o magdamag tayong mag rosaryo o isang araw tayong manood ng porn para kunwari makalimutan , wala namang silbi ang lahat. Wala naman tayong magagawa. Kung ano ang itinadhana iyon ang mangyayari. Si Julio at Julia lang kambal ng tadhana. Siguro ang magagawa nalang natin ay ang maghintay. Iyon naman ang ginagawa natin dati pa dahil sa mundo ito where everything is uncertain, we can’t expect certainty.

13 Responses to “Nakaraan vs Kinabukasan”

  1. brotherutoy says:

    seeryoso yung post mo pero napangiti ako dun sa Julio-Julia ah. hehehe… Happy new year, kapatid and God bless!

  2. Dansoy says:

    Uy kapatid na utoy. Musta ang new year mo? Tsalap na naman cguro ang inihanda mu para sa bagong taon. Sana this time may para sa akin na.

    Happy New Year din. Wish you all the best this year!

  3. walongbote says:

    wow achievement yun dansoy na may magndang marka last yr. keep it up ok.. buti ka pa nagka part time job sa panahon nagaaral ka.. me focus lang talaga sa nursing noon..pero still have a bad grades kasi ang hirap talaga.. pero at least nakagraduate,., hehehe,, anyway HAPPY NEW YEAR!!

  4. Dansoy says:

    hey, salamat sa pagdalaw. Actually mahirap pala talaga ang ginagawa ng isang wurking student. Hindi mo lang malalaman kung hindi mu mararanasan. Noon kasi nung hindi pa ako ng tratrabaho atat na atat akong mag-apply.

    Happy new year din sa iyo.! :)

  5. Mousmous says:

    uy sana pagpalain ka ngayong 2009….ang masasabi ko lang, kung ano ang nasimulang maganda, ipagpatuloy para maging maganda pa din ang kinabukasan…

  6. Jof says:

    nice blog..

    napadaan lang.. hehe

  7. vanvan says:

    wow sa bagong layout dan!
    kipup!

  8. rio says:

    huwaw naman ang 2008 mo…maganda pangitain yan para ngayong 2009..naway magtuloy tuloy ang swerte na darating sa iyo..
    wag mo na munang isipin kung anong darating at hindi..basta ang mahalaga, ready ka sa kung ano man ang darating sa taong ito..
    God bless at happy new year

  9. kei says:

    sana maging maganda ang taong ito para sayo. GOD BLESS

  10. Dansoy says:

    @Mousmous – Sana nga maganda at maliwanag ang darating na bukas sa akin. Yung kasing liwanag ng meralco para sigurado.

    @Jof – Lamat, ganda din ng mga post mo.

    @Vanvan – Teka! nagpalkit ba ako ng layout? Ahh..Uu nga, Salamat van van. :)

    @Rio – Hindi ko alam kong ready ba ako. Nangangamba din ako baka sa 2009 masira ang pinaka-iingatan kong puri.

    @Kei – Sana nga! Ipagdasal mo nalang ako ng bonggang bongga. Ang aking kapalaran sa 2009 ang ipagdasal mo ha at wag ang kaluluwa. ;’(

  11. FerBert says:

    kung fu pande! there is no charge for awesomeness.. wala lang.. nabanggit mo kase sya.. haha

  12. alf says:

    tumuloy na ako dito galing sa luman tahanan mo. magandang gabi mula dito sa amin.

  13. Dansoy says:

    Salamat alf at hindi mo ako kinalimutan. :) Api new year pala. Its better to late than never.

Leave a Reply

preload preload preload