Dec 23

Sadyang kay bilis ng panahon. Dahil sa pagiging busy natin araw-araw ay hindi natin namalayan na christmas na pala. Uu, aaminin ko sa inyo na hindi ko talaga naramdaman ang pagdating ng pasko. Kung hindi dahil sa tita ko na nagbigay ng laptop sa akin ay hindi ako mamumulat at malamang may selebrasyong sasapit.

Ang christmas para sa akin ay dapat lang na ipagdiwang ng masaya at malungkot. Masaya dahil nagagawa ng paskong buuin ang miyembro ng pamilya. Kahit saan mang lupalup ng mundo, napagkaka-isa ng pasko ang bawat puso ng tao. Malungkot dahil walang choice ang mga kuripot na maga nilalang kundi gawin ang pinka-enemy nila-ang gumastos ng malaki. Kala niyo ha.

Basta christmas ang pag uusapan hindi naman talaga maiiwasan ang magpakapal ng mukha at habulin ang mga ninang at ninong para singilin ang regalong ilang pasko ng nagdaan ay hindi parin naibigay. Kahit ako meron ding mga gusto. Kaya nais kong i-share sa inyo ang top 5 na pede niyong pagpiliang ibigay sa akin ngayong pasko. May bukas  pa kayo para bumali. I’ll accept late gifts.

Nokia N97 Cellphone

Nokia N97

Isang napaka-irresistable material sa buong mundo. Mayroon akong cp pero hindi gaanong maganda at nagloloko na. Sinyales na ata ang kanyang pagloloko na kelangang palitan ko na ito.

Sony Playstation Portable

Sony Psp

Mahilig akong maglaro ng Gameboy. Pero sa kasamaang palad ay natigil ito dala ng pagkakasangla ng aking pinakakamahal na gameboy. Kahit ilang dekada na akong hindi nakakalaro nito, nafifil ko parin ang passion at lust sa gameboy. Psp ang nilagay ko dahil ito ang upgraded version ng gameboy. Kung gameboy ang bibilhin niyo ok lang pero kung magpupulit kayo na regaluhan ako ng sony Psp ok lang din.

Laptop Cooler

Cooler

Dahil napaka-init ng Pilipinas at nakalimutang bilhan ng tita ko ng cooler ang aking lappie , sa palagay ko mapapasaya niyo ako sa cooler. Almost lahat ng laptop ay may 80% tiyansang masisira  kung walang cooler ( at/or kung walang air con ang kuwarto ).Piliin niyo nalang toh, mura lang yan.

Condominium

Condo

Gusto ko lang kasing manirahan ng mag-isa. Yung tipong independent at the same time relaxing. Ako na ang nag hanap, bayaran niyo nalang.


MacBook

Laptop

Hindi naman sa ayaw ko ng kung ano man meron ako ngayon pero iba lang kasi pag mas astig yung laptop mo diba. Lalo na kung matibay at high quality ito. Expensive pero sulit pag ni-regalo. (salamat sa ever dearest tita and her family ko na nagbigay ng laptop sa akin. Salamat ng marami .)

Ngayong nakita niyo na sila sana naman nakapili na kayo. By the way kung sino man ang mag bibigay may card ako sa inyo bilang appreciation sa regalo niyo.

Aside from those wishes, hiling ko din na magkabati na ang ABS-CBN at GMA, Aministrasyon at Oposisyon, Paquiao at Dela Hoya, Marian at Karylle, Tom at Jerry at marami pang mga nag aaway. Naway tigilan na natin ang away at tayo’s magka-unawaan at magkapatawaran (Iboto niyo ako sa susunod na halalan). Isantabi ang mga poot at galit at hinanagpis at mga baho para mabigyang daan natin ang pasko. Muli, ako’y bumabati ng

FELIZ NAVIDAD AMIGOS, AMIGAS.

8 Responses to “Feliz Navidad”

  1. otep says:

    nice site!

    thanks pala sa visit sa site ko ha.. hehehe babalik na rin ako sa Y2K9 mag rerepormat lang ng isip.. nyahahaha :D

    btw, susyalin ang tita.. laptop! sana may nagbigay din sa’kin nun… heheheh

    libre lang mangarap parekoy lols. malay mo maibigay sa’yo ‘yan lahat hehehehe..

    haaayy.. wala ka bang wish na hindi materyal?.. heheheh.. pareho tayo..:D

    tinamaan ako dito:
    “Malungkot dahil walang choice ang mga kuripot na mga nilalang kundi gawin ang pinka-enemy nila-ang gumastos ng malaki. Kala niyo ha.”

    hehehe true. true. malungkot kasi ngayong may work na’ko.. ako na ngayon ang mamimigay ng gifts.. kaya pag nagsabi ng “Merry X-mas” laging labas sa ilong hehehe

    Happy New Year!! :D

  2. Aling Baby says:

    Hi Dan… :)

    naging busy lang kaya malimit mapadaan. nagpopost lang din ako tapos, indi laging nakakadalaw sa ibang blog. :)

    merry xmas and a hapi nu yir sau!!

    ang gaganda naman ng mga “simpleng” wish mo hehe…ang swerte mo rin at ang gandara talaga ng lappie mo. :) sana ako rin may tita na katulad niya. :)

  3. Dansoy says:

    Haha. Marami na tayong kuripot.! Actually may wish ako na material na bagay pero sa tingin ko hindi ko na kelangang ipost yun dito baka kasuhan ako..(??) BTW, salamat sa dalaw, ngayon lang ako nakabalik galing sa Hiatus kaya ang ibang mga blogster ko eh di na ata ako kilala. tsktsktsk.

    Happy New Year din at sana makabalik ka nga kung hindi pa masunog ang ilong mu sa dami ng mga taong nagsasabing “MErry Christmas” :)

  4. Dansoy says:

    Uy, Salamat aling baby. Na appreciate ko na kadalaw ka sa “munting” blog ko despite of your very hectic skedule.

    Hayaan mu pag may nagbigay sa akin ng McBook seu na ang Lappie na ginagamit ko ngayon. hehe.

    Merry Christmas and Happy New year din Aling Baby.! :)

  5. vanvan says:

    maaung bag-ong tuig dansoy!

  6. utakmunggo says:

    ayun!
    salamat at nag return of the comeback ka na. biglaan naman yung hiatus mo ey.

    happy new year sa iyo!!!

  7. Dansoy says:

    Maaung bag-ong tuig pud vanvan! Mabuhay tang tanan. :)

  8. Dansoy says:

    Api new year pud. Biglaan nga eh at dahil biglaan ang hiatus ko naging biglaan din ang pagbalik ko. Mahilig kasi ako sa mga surpresa.

Leave a Reply

preload preload preload