Ang mga Pangyayari
Habang nagdaan ang panahon, pahaba ng pahaba na rin ang araw na hindi ako nkakasulat ng tungkol sa buhay ko. Pero kahit na ganun sana eh babalik pa rin kayo para tignan kung may pagbabago ba sa blog ko. Sa oras nga na ito andito ako sa skul at nakikihati ng oras para maka-internet. Para hindi rin masayang ang pagsusulat ko ngayon, ikwekwento ko nalang ang pangyayari sa iba’t ibang aspeto ng buhay ni dansoy.
Bahay
Ang walang kamatayang istorya about sa kuya ko ay nanatili paring halimaw. Kelan lang ng bumalik na ang kuya ko para tumira sa bahay kasama ng fiancee niya. Of course, bukas ang bahay namin para sa kanya kahit pa i-lock ko yan at kadenahan ng ilang pulgadang kadena eh bubuksan at bubuksan parin ng mama ko. Alam kong sa pagbalik niyang tumira araw-araw sa amin ay magdudulot na naman ng bacteria sa bahay namin (masama na ako kung masama, buwahahah). Kaya ngayon lahat ng gamit ko na maaring mahawaan ng bacteria ay tinatago ko na, pati brief ko secured na at nilagyan ko pa ng alcohol (sino ang kuya ko? balikan niyo ang kuya kong halimaw) dahil, sa totoo lang, pag andyan siya sa bahay hindi ko na pag mamay-ari lang mga gamit ko. Lahat ng akin ay sa kanya at lahat ng sa kanya ay sa kanya pa rin.
School
Ang naging dahilan ng lahat. Dahil sa school marami akong namiss na istorya sa buhay ng ibang blogster ko. Halos hindi ko na alam kung ano ang una kung gagawin sa mga projects at assignments na nakalatag sa sahig. May mga programs pa na kulang nalang dudugo ang pituitary gland ko sa ka-iisip kung paano ko gagawan ng codes. Lahat ng subjects ko ay pinarurusahan ako. Minsan pag nag quiquiz kami at hindi ko nakuha ang tama na sagot sinisisi ko nalang sarili at emo na naman ako sa tabi-tabi. Sa tingin ko hindi na ako makakakuha ng malaking marka nito pero kahit na ganun magsisikap pa rin ako.
Things get harder but my hands can break and tear them apart
Alam niyo ba na sa pagbuo ng inglish words na yan dumugo daliri ko (langyang buhay). Totoo na kahit pahirap ang mga lessons ko sasabay pa rin ako sa tugtug. Ika nga ng titser ko na laging naka smile pag nagtuturo (pero ma-iiyak ka naman pag nagbigay ng grade):
Dance with the music
Kung kaya niyong ilarawan ang taong walang music pero sumayaw sa klase bibigyan kita ng pasadong marka.*seryoso* Sa pagkakataong ito naniniwala na ako sa guro kong happysad sa kataga niyang iyon.
Lovelife
Sa hindi inaasahang balita wala akong maisulat tungkol sa buhay pag-ibig ko. Alaws pang nagkakamali sa akin at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit hindi nila nakita ang pag ka-cute ko. Siguro at marahil hinihintay lang nila ang move ko na ligawan sila. Ayaw ko na munang pumasok sa ganyang sitwasyon siguro dahil ayaw kong may kahati sa baon ko. Kaya zero muna sa ngayon.!
This entry was posted on Wednesday, August 6th, 2008 at 6:23 am and is filed under kawalang-kwenta. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
by: Dansoy
posted on
at 6:23 am
under
13 Comments
wahaha … oo tama yan wag muna relasyon … sa hirap ng buhay ngayon … at oo magkakaroon ka pa ng kahati sa budget ahah!
dapat hindi lang ako pati ikaw at ang buong kabataan. They should follow me as their model. Sasali nga sa samahang U.S.B (untouched Since Birth) Hindi kana ata pede dun, alam kong na touched kana.hehe
oist chismis yan ha! … ibulong mo sa akin! … wahaha
bising-bisi ka pala lately dansoy, kaya pala ang tagal bago nasundan ang entry mo..but it’s nice to know na iskuling pala ang pinagkakaabalahan mo…gud. baka naman may balak na magbagong-buhay ang kuya mong halimaw..give him a chance.
at kahit na alaws ka pang lablayp, ayus lang yon..wak ka magmadali kasi darating din yung para sau.
Hindi kaya magkataghiyawat ng pagka-dami-dami pag schooling lang inaatupag ko?! Uu, open naman ako sa posibilidad na ganun ang mangyayari sa kuya ko. Wish ko yun eh. At salamat sa advice mo about lablayf.
pimples? mag-neutrogena ka nalang pamuksa ng tigyawat un.
basta usapang pampuso…pa-ekstra-ekstra lang ako dyan…indi me mashado madunong sa aspetong yan.
mali, dapat may relasyon din, para may inspirasyon ika nga, gaya sa pagblog may inspirasyon lagi
Naks naman halatang halata na merong inspirasyon itong si kulot.! Sige try kung humanap baka may makalabit. haha
pano ba yan dansoy? sino pang tour guide ko pag ako napadpad nang davao?! hahaha! uwi na si beng!
kumusta na lang!
Uu tito reynz, kahapon lang sila umalis. Kahit masakit at lahat ata kami umiyak.
Ako nalang tour guide mo, hehe.
Talagang ganyan ang buhay estudyante. Nagdaan din ako sa ganyan. Lagi ngang babala ng aking lola, huwag pagsabayin ang pagaaral at pag-ibig masama ang patutunguhan niyan. A ewan pero sinunod ko rin sila hanggang ako’y natapos ng pagaaral na wala man lang bf… Sa isang banda okay naman nakatapos, sa isang banda I missed one half of my life dahil di nakaranas kung paano imanage ang love affair at studies. Walang bagay na madali sa mundo, lahat ay pinaghihirapan.
HOY UPDATE!
dan…!
mag-update ka na, inaamag na tong blog mo.