If you just realize, What i just realized

Ano na nga bang oras ngayon? Sa pagkaka alam ko july na atah tayo ngayon, hindi ba? Hay naku! sa dinadami nga naman ng problema ng tao paano pa natin mapapansin na pinapansin na pala natin ang mga bagay-bagay na hindi dapat pansinin. Gulo no? Paguguluhin ko pa!. Mga simpleng katanungan at problema na simple lang pero dahil pinalalaki tinubuan tuloy tayo ng taghiyawat. Napansin ko ito ng nag karoon ako ng oras sa restroom. At doon ay nag rest ako. Pinag-isipan ko ang mga bagay-bagay na madalas pinoproblema ng madla na hindi naman talaga dapat problemahin. At pinagisipan ko rin ang mga katagang pinasikat ng mga tao kung may katotohanan o wala. Pero isa lang ang nakasisiguro ako, mabaho sa restroom. Hindi ata nilinisan ng janitor. Di bale ito yung mga isinulat ko. Read and interpret it kung ma-take niyo.

1. Alam nating lahat na ang problema ay may solusyon. Kasi naniniwala tayong walang probelamang ibinigay ang maykapal na hindi naman kaya ng ating kapasidad. Pero kung ang pinoproblema niyo ay walang solusyon, utang na loob wag niyo nalang problemahin.

2. Always remember: Kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila at huwag pilitin ang sarili mong gawin o tapusin ito dahil kahit magdamag kapang humagolgol sa paggawa, hindi mo parin matatapos ito. Make life easy at huwag ng parusahan ang sarili mo. Nakatulong kapa sa kapwa mo, ang bayad sa labor .

3. Kung nagdurugo ang puso mo dahil walang kapang girlpren, huwag kang mag-alala dahil hindi lahat ng gwapo ay may girlpren na. Ang iba sa kanila may boypren. Kaya ok lang yan.

4. Huwag mong mukhain ang problema mo kung ang problema mo ay iyong mukha. In english, don’t face your problem if your problem is your face.

5. Isipin niyo lagi na di bale ng tamad basta hindi kayo pagod. Pag pagod na kayo wala na kayong energy para gawin ang mga bagay bagay. Dahil ang mga tamad, nag rereserve lang yan ng energy. IKaw tamad kaba o pagod?

6. Practice makes perfect pero lahat naman tayo ay hindi perpekto. Paano pa natin ma perpekto ang bagay kung hindi naman talaga tayo perpekto. Kaya huwag ng mag praktis. Valid reason yan.

Pagkatapos niyong mabasa ito may na-realize na ba kayo? Ako meron…. may assisgnments pa pala akong kailangang tapusin. Sana kayo rin may na-realized.

This entry was posted on Monday, July 7th, 2008 at 10:18 am and is filed under kahangalan. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

RSS feed | Trackback URI

25 Comments »

Comment by fabandfurious
2008-07-07 15:35:19

hi dansoy! we’ve added this site as well :D thanks so much for voting for us! hope you can try to drop by everyday to show your support. have a great week ahead!
The Fab and The Furious

Comment by Dansoy
2008-07-08 06:47:20

Youre welcome. Your site is very nice that why it deserves my vote.

 
 
Comment by Pedro
2008-07-08 05:13:22

walang karapatan ang mga tamad na magsabi ng “mabuhay ang mga tamad” kasi masipag na sila pag sinabi nila yun.

ayos to. pagpatuloy mo pa. :D

oh ayan ha, nagcomment na ako.

hahaha.

Comment by Dansoy
2008-07-08 05:27:03

Salamat!. At least nalaman kong hindi ka tamad dahil nag comment ka.! haha :LOL:

 
 
Comment by rio
2008-07-09 05:53:47

hahaha..patok ang mga linya mo kuya! apir!
gagamitin ko nga 2ng mga to sa mga kagaya kong abnormal ang mga pananaw sa buhay..lols

Comment by Dansoy
2008-07-09 06:55:52

ginawa ko talaga yan para paramihan lahi natin ;-o. salamat

 
 
Comment by Aling Baby
2008-07-09 10:56:47

ako me na-realize din hehehe…tama itu, marami talagang problema na kahit indi naman kailangang problemahin eh pilit ipinapatong sa balikat at kala mo naluging intsik samantalang sandamakmak na mas mabigat ang problema ng ibang tao. hmmpft! daanin na lang kaya natin sa timbangan ang pabigatan ng problema? hehehe…:)

Comment by Dansoy
2008-07-09 12:11:15

Meron ba nun?! sige pag susumikapan kong mag imbento ng ganung timbangan para malaman talaga ng tao ang dapat nilang pagtuunan ng pansin. hehe.

 
 
Comment by utakmunggo
2008-07-09 13:17:15

“… Kung nagdurugo ang puso mo dahil walang kapang girlpren, huwag kang mag-alala dahil hindi lahat ng gwapo ay may girlpren na. Ang iba sa kanila may boypren. Kaya ok lang yan.”

sakto! talagang napa-lol ako dito.

at di ako tamad, dahil nakapaglakbay ako dito sa blag mo at nakapag-iwan pa ng bakas sa comment chekchon.

add kita sa blagrowl ko ha.

apir!

Comment by Dansoy
2008-07-10 04:39:36

buti naman at nagcomment ka dahil kinatigorize ko talaga yung mga hindi nagcocoment ng tamad. hehe. Salamat add rin kita!

 
 
Comment by Lambing
2008-07-10 03:31:42

na pa rerealized tuloy ako dansoy..

namamasyal lang po… =)

Comment by Dansoy
2008-07-10 04:41:09

ahh hehe. ganyan talaga minsan may narereliazed tayo. Ako bata pa at fresh na fresh kaya marami pa ata akong dapat ma realized. Kasama na dito na cute pala ako. I can’t accept it.!

 
 
Comment by pinoyPSP
2008-07-10 10:33:17

wuzup dansoy kakaiba yung name mo ah hahaha

Comment by Dansoy
2008-07-10 12:07:56

hehe. Si inday ang nagpangalan sa akin nito. Para daw cool. cooollll..salamat sa dalaw.

 
 
Comment by ghing
2008-07-12 00:13:42

haha.. my narealize din ako.. kakatuwa ung post mo.. galing talaga!..

Comment by Dansoy
2008-07-13 13:23:35

salamat sa kunting kumplement. Pero naman ata realization yun kasi matagal ng alam ng madla ang talento kung ito. *paxenxa* makapal lang talaga mukha ko.! haaha

 
 
Comment by ghing
2008-07-14 23:21:10

haha!.. ok lang lahat naman ng tao may tinatagong kayabangan..

hehe!..

Comment by Dansoy
2008-07-15 06:51:25

ganun.;-( salamat ghing sa pagdalaw dalaw.

 
 
Comment by ghing
2008-07-15 16:53:53

hi.. thanks din sa pagdalaw sa blog ko.. di pa ko nagpapalit ng URL pero nakakuha na ko ng new domain.. inaayos ko pa eh.. inform na lang po kita pagnatapos ko na!:)

 
Comment by Tentay
2008-07-15 17:14:36

Ahahahah natatawa naman ako sa mga binigay mo mga payo.
lalo na sa #5 ang dami ko natatangap na text galing kay Juan Tamad, share ko sayo ha?

“Kung may balak kang gawin ngayon, huwang mo nang ituloy para may gagawin ka pa bukas”

oh diba very inspiring! hahahhahah :)

aadd kita sa rolingblog ko ha. salamat salamat ^.^

 
Comment by Ejiikiieru
2008-07-15 17:52:45

si tentay sinusundan ako! … ahaha

 
Comment by Tentay
2008-07-15 19:06:02

Ejiikiieru lol ka. hahahaah lokaret ka ha, dito pa talaga tayo nag usap. pasensya na po dansoy. hehehehhe!! :P

 
Comment by Ejiikiieru
2008-07-16 04:38:00

ahahaha … stalker! =D

nga sensya dansoy!

 
Comment by dansoy
2008-07-16 07:00:23

abah hindi pwede yan. hehe. Ok lang yan.! Baka magkatuluyan kayo at dating place niyo blog ko . wa hahaa. salamat sa inyong dalaw dito. hehe

 
Comment by Ejiikiieru
2008-07-16 15:33:55

ay hindi puede yan dansoy! masyado pang sariwa ang mga sugat sa puso ni tentay! - love takes time to heal ika nga ni Mariah!

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Twitter
Plurking
Entry Details