Best Model of Shampoo
Masyado na talagang malakas ang epekto ng medya sa mga tao. Kaya hindi kataka-takang gamitin ito daan ng mga businessman para i promote ang mga produktong kunwari’y nakakapaganda at nakakapagdulot ng satispaktion sa bawat tao. At para maging sikat ang produkto gumagamit sila ng mga artista o isang kilalang peronalidad para mag endorse ng produkto. Mas sikat, mas bata at mas maganda-mas tatangkilin ng mamamayan. Sino nga ba naman ang bibili kong pangit ang mag eendorse nito? Gaya ng shampoo, siyempre iba’t ibang produkto ng shampoo ay may kaniya kaniyang eendorser. Kaso masyadong madaming endorser ang magaganda kaya para hindi na ako mahirapan inilista ko ang pinkamagandang endorser ng mga shampoo, maganda na seksi pa.
1. Head and Shoulder
![]()
Sino nga ba ang hindi mahahalina sa alindog ng isang lobo. Si Angel ang namamayagpag na endorser ng head and shoulder na talaga namang nahatak niya ang puso ng bawat pilipino. Marami ngang gumagamit nito kaya pati buhok sa ibaba *basta buhok sa ibaba* ginagamitan na dahil lamang sa mala diyosang endorser.
2. Sunsilk

Ang mala innosenteng imahe ni Marian ang pinkakagugusto ng lahat. Kahit anong iindorse niya ay talaga naman papatok. At isa na rito ang Sunsilk na tinangkilan ng mamayan ng dahil sa kanya. Sinubukan ko ngang bumili kaya lang naubos na raw ng marian na ang naging endorser.
3. Palmolive
![]()
Siya ang pinakahinahangaan ko sa lahat dahil taglay niya ang mukha ng bagong henerasyon. Si KC ay isang certified best endorser sa kahit anong produkto. Mapa buhok man o derma, lahat sakto para sa kanya. Lab ko yan eh.
4. Pantene

Sa totoo lang madami naman talagang magandang endorser ang pantene na bukod sa magaganda na respetado pa sa pag akting. Pero bukod tangi ang gandang nanalaytay sa diyosa ng mga maligno na si Claudine. Kung siya lang ang totoong reyna ng maligno mas pipiliin kong maging kasapi niya. Swerte mo nga dahil miyembro kana ng pangkat niya. Uu tama ikaw nga diba maligno ka? Aminin.
Ang ganda nilang lahat ay wala lamang sa ganda ng endorser ng Clear. Siya ang sinasabing namumukod tanging taga pag-alaga ng buhok natin. Sa lahat lahat siya ang tunay na may gandang dala ng pagkahaba ng kanyang buhok.
Walang iba kundi si…..
5. CLear

Astig diba? Sa dinadami ng buhok ni piolo na maaring tumubo kahit saan clear lang gamit niya. Ayos na ayos sa mga seksing balbon. San ka pa?
This entry was posted on Friday, July 4th, 2008 at 3:01 PM and is filed under kaaliwan. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
July 6th, 2008 at 3:05 AM
–
hakhak
kakaawa naman si pyolo mag-isa
hakhak
baket kya walang nag-eendorse ng MANE ‘N TAIL [tama b hispeling ko?]
hakhak
elyens mistik porses
XXXxx
July 6th, 2008 at 11:05 AM
wow may new shampoo na palang mane n tail? hindi ko kc yan nakikita sa advertisement. Ayaw pa nya nun, mas sikat pa siya kasi naiiba.:)
July 6th, 2008 at 2:02 PM
ang gaganda naman ng mga endorsers ng shampu dyan including
piolaayyy piolo pala ehehehe… teka, anu ung clear?? hehe, bago ba yun?
July 6th, 2008 at 2:15 PM
yupz, its a shampoo. hehe. iniendorse ni
piolapiolo. weee.. salamat sa dalaw i linked you na.July 7th, 2008 at 3:37 AM
ay xet.. you just made my day.. si papa piolo(pwede ring mama pioling).. but in fairy gordmother, isa ako sa mga nauto ng media ha, dahil clear shampoo ko(pero hindi pang men).
salamat sa pagdalaw mo sa aking
magulongblog..July 7th, 2008 at 3:43 AM
July 7th, 2008 at 5:10 AM
e sino kaya ang pwedeng magh endorso ng gugo shampoo?? hehe
yun kasi gamit ko e..joke!
July 7th, 2008 at 7:03 AM
Naghahanap pa cguro ng pinakamagandang endorser na mahihigit si piolo. :-0 Salamat sa dalaw.!