Napansin ko na medyo madalang na lang ang pagsulat ko ng post dito sa dansoy world. Kung alam niyo lang kung gaano ka busy ang isang henyong katulad ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi nalang ipinagkaloob sa akin ng maykapal ang ganitong katangian. Parang hindi ko ma-take ang responsibility. Well, ganyan talaga ang buhay at kailangang tanggapin ko ang hubad na katotohanang ito.
Baka san pa ako mapadpad kaya uumpisan ko na ang kwento. Kwentong about sa kaibigan kong disgrasyada. Alam kong hindi na bago sa ating lahat ang pagdisgrasyada/do natin. But believe me or not but i want you to believe me na namumukod tangi ang pagka Tangertz niya. Minsan kasi naikwento niya sa akin ang mga eksena kung saan nagpaka-lorelie siya. At proud siyang inamin in-fairness na to d’ max ang pagka-Tangertz niya. Actually sa haba ng kwento niya ginawan ko nalang ng buod para hindi tayo tumanda sa kakabasa ng ka-tangertz niya.
UNA. Alam na alam nating lahat ng tao ay nagkantaugauga sa paghahanap ng salapi sa kahit anong paraan. Halos pinapawisan na tayo ng maraming singot magkapera lang ng pagka-bonggang-bongga. In contrast of this, ang babaeng disgrasyada ay nakuhang itapon ang 200 sa public garbage bin. Abah! mayaman si ate. Yan ang akala niyo pero pagkatapon niya ilang minuto pa niyang tinitigan ang basurahan at nag concentrate kung ano iyong naitapon niya dahil na sense daw niya na nangangamoy ang basurahan bigla. In our surprise at sa walang pag-alinlngan buong lakas niyang tinignan sa loob kung ako ang natapon. Nung nakumpermang pera, lakas-loob naman niyang kinuha ito inside the public garbage bin. Come to think of it, public yun kaya maraming tao ang dumaraan. kaya naman tinignan siya ng ilang kataohan doon. San kapa sikat na siya. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon hinanap pa rin niya ang pera at ng nakuha na automatic na lumakad na agad ito na parang wala lang. At dahil sa ginawa niya dumarami na ang naging sikat sa pagtatapon ng basura!
PANGALAWA.Masaya ang araw niya at that time at papunta daw siya ng school sakay ng jeep, of course. Dagdag pa niya susuwertehin daw siya this day (ganun bah? tignan natin at makaka-good-day paba ang babaeng disgrasyadang ito). Malapit lang ang school niya sa boarding house niya kaya naman malapit na agad siya sa babaan ng jeepney. Kukuha na sana siya ng pera ng…uhm…iininom muna ako ng tubig. gulp-gulp-gulp-ahhhh. Ok. kukuha na sana siya ng pera ng biglang nag ring ang cellphone niya at sinagot niya. Pagkatapos ng conversation balik agad siya sa pagkuha ng pera. At pa ahhhhhhh siya sa sakit. Sa sakit na nararamdaman niya sa loob ng puso niya dahil ang pera niya ay naiwan. Nataranta na siya at tila hindi na alam ang gagawin. Papalapit na siya sa skul at nakakahalata na rin ang mga seat mate niya sa jeep dahil nag murmur na ito na wala siyang pera. Nagpapa pansin ata para pahiramin.
Tumapak na ang gulong sa babaan sa skul niya. Bumaba siya at tumungo sa driver. Ang mata ay nagliliwanag at ang mukha ay pacute ng pacute habang kinaka-usap ang driver na wala daw siyang pamasahe. Ito ang swerte niya, ang driver ay mabait kaya naman inabswelto siya sa pagbabayad ng pamasahe at hindi nalang pinabayad. May convincing power ang babaeng disgrasyadang ito at may puppy style pa at naging maamong tuta. tsk tsk.!
PANGATLO.Nasa jeep na naman ulit siya at that time. Kasama ang parents at boysitprend niya. Galing sila sa kung saan man yung lugar. At ang nangyari ay wala kasi after nun bumaba na sila. Mga ilang sigundo naisipan niyang kunin ang cp sa bulsa niya. Sa kabutihang palad nawala ito. At ang kongklusyon, naiwan sa jeepney. Isang kabilib-bilib na naman na eksena ang ipinamalas niya. Hinanap niya ang jeep na kanyang sinakyan sakay ng taxi. Akalain niyo kahit mahal ang gasolina wala siyang paki alam mahanap lang ang 3310 niyang nagkikinang na cellphone. Mga ilang segundo ulit ng paghahanap nakita niya ito sa gasolinahan at sumugod pagkatapos ay hinalughug ang buong parte ng jeepney.Sa upuan, sa ilalim ng upuan, sa manibila, sa driver’s seat, sa makina, sa gulong, sa bubong. Lahat at walang itinira sa paghahanap. Tumulo na ang dugo sa ilong niya na kulay ay hindi na pula kundi itim na dahil sa liquid na nasa makina. Sa dulo ay hindi niya nahanap ang pinakamamahal niyang 3310 na cp. Ty sa cp ko!
Ilang araw tinawagan niya ang old cellphone niya at nagbabasakaling macontact ang nakakkuha at sinabing
Salamat , dahil sa iyo 1100 na ang cellphone ko.
Isang pang best aktress na katagang deserbing lamang na palakpakan.!!!!!!!
Halos madami pang mga pangyayari sa buhay niya pero itong tatlo lang ang nasabi saking talaga nabubuwang ako. Kung ikwekwento ko pa dito baka hindi na kayo bumalik sa katinuan niyo. Pero kahit na ganun ang takbo ng kapalaran ng babaeng ito may naitulong din daw minsan ang pagiging disgrasyada niya sa sarili niya. Kung ano iyon sa kanya na iyon.



